Sa Sept. 23 kasabay ng equinox... Mga dapat dasalin ng dalagang gusto nang magka-BF
- BULGAR

- Sep 20, 2019
- 2 min read
Bigyang-daan natin ang ilang mahahalagang kaalaman na magandang isagawa ngayong panahon ng September Equinox.
Tulad ng nasabi na sa ika-23 ng Setyembre magaganap ang September Equinox, buong mundo ay nag-aabang sa napaka-espesyal na araw na ito, lalo na sa mundo ng astrolohiya. Sa kasaysayan, mahalaga ito dahil may mga suwerteng darating sa araw na ito.
Para sa mga dalaga na gustong matagpuan ang binatang para sa kanila, narito ang ilang kaalaman na puwede nilang subukan:
1. Magaganap ang September Equinox sa eksaktong alas-3:50 ng hapon.
2. Kung gusto nang magka-boyfriend ng isang dalaga, dapat niyang gawin ang “hard bath”.
3. Ito ay ang paliligo kung saan dapat todong- malinis ang buong katawan, mula ulo hanggang paa.
4. Lahat ng sulok ng kanyang katawan ay dapat linisin nang husto.
5. Dapat ding pagandahin ang mga kuko sa kamay at sa paa.
6. Maglagay ng langis sa buong katawan. Mas maganda kung langis na mula sa coconut o olive oil.
7. Kasama sa lalagyan ng langis ang buhok.
8. Ang latin prayer na ibabahagi ngayon ay kailangang praktisin at kabisaduhin nang mabuti.
9. Dapat marunong magdasal ang dalaga, partikular ang pagdarasal ng Sumasampalataya.
10. Muli, praktisin ito bago dumating ang alas-3:50 ng hapon.
11. Pagsapit ng eksaktong alas-3:50 ng hapon, unang dasalin ang Sumasampalataya.
12. Isunod agad ang Latin prayer na “Et rogando meum audire domine mi. Da mihi amans vitae meae. Domine deduc me, diligetur a amare. Amen.”
13. Gawin ito nang tatlong beses.
Pagkatapos, kumain ng matatamis na pagkain, mas maganda ang mga tsokolate o ice cream na tutunawin sa loob ng bibig.
Sa alas-12:00 ng hatinggabi, muling dasalin ang Sumasampalataya at Latin prayer.
At ang mahalagang masunod ay ang mabuhay nang may positibong pananaw.
Good luck and God bless!




Comments