Para ‘di manakawan at iwas-sakit… Safety tips sa mga mahilig magbakasyon
- Jersy Sanchez
- Sep 20, 2019
- 2 min read
No Problem

Nagsimula na ang vacation season kaya naman marami na ang nagpa-file ng vacation leave. Ha-ha-ha!
Para ma-enjoy ang inyong bakasyon, hindi lamang itinerary ang dapat ninyong bigyang-pansin dahil dapat ding siguraduhin na hindi kayo mananakawan at magkakasakit habang nasa bakasyon.
Kaya mga besh, narito ang 5 tips para manatiling ligtas mula sa mga sakit at kawatan:
1. PILIIN ANG ROOM NA NASA 3RD FLR. NG HOTEL PATAAS. Mas madaling napapasok ng mga kawatan ang mga kuwarto na nasa mababang floor. Kapag nanatili kayo sa ikatlong palapag o higit pa, mas mababa ang tsansa na manakawan kayo o mapasok ang kuwarto ninyo.
2. MAGDALA NG SARILING BED SHEETS. Kadalasang inirereklamo ng ilang nagbu-book ng hotel ang marumi at maalikabok na bed sheets. Kaya kung gusto ninyong makasiguradong malinis ang tutulugan ninyo, magdala kayo ng sariling bed sheet o punda. Okie?
3. GAMITIN ANG MAIN ENTRANCE. Pagkatapos mamasyal nang buong araw, make sure na daraan kayo sa main entrance ng hotel dahil mas safe rito kaysa sa ibang daan papunta sa kuwarto ninyo. Medyo malayo o mag-e-effort nga lang kayo pero, at least, siguradong safe.
4. HUWAG HUMIGA SA KAMA NANG HINDI PA NALILIGO. Bakit? Ito ay dahil mas malaki ang posibilidad na mailipat sa kama na tutulugan ninyo ang mga nasagap na dumi sa labas. Gayundin, maaaring makakuha ng sakit dito dahil kapag kumalat ang dumi, siguradong kayo ang unang makakukuha nito.
5. HUWAG AGAD MAGBUKAS NG KUWARTO. Kapag hindi kayo tumawag sa service personnel, mabuting huwag kaagad buksan ang kuwarto dahil hindi ninyo alam kung sino ang nandu’n. Mabuting tumawag muna sa reception para alamin kung may ipinadala silang service personnel sa kuwarto ninyo.
Mga besh, ilan lamang ang tips na ito sa mga dapat ninyong tandaan sa inyong bakasyon. Para iwas-sakit at nakaw, make sure na ibabahagi n’yo rin ang mga ito, ha? Have a nice and safe trip, mga ka-Bulgar!




Comments