top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Walang suwerteng mag-abroad kahit gradweyt ng caregiver, mas yayaman sa negosyo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 19, 2019
  • 2 min read

Katanungan

  1. Nag-training ako sa pagke-caregiver at nakatapos na. Kaya lang, bakit kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakaaalis patungong abroad? Minsan tuloy, iniisip kong niloko ako ng agency na pinag-aplayan ko kasi puro pangako lang na tatawagan ako at aayusin ang papeles ko, pero hindi naman ako natutuloy.

  2. Sa tingin ninyo, Maestro, makakaalis pa kaya ako? Ang tagal ko nang nabakante at walang trabaho, kaya ngayon ay iniisip ko na bumalik sa dati kong pinasukang tindahan. Doon kasi ay libre lahat kaya kahit paano ay nakakaipon ako.

  3. May Travel Line ba sa aking mga palad o sadyang wala nang pag-asa na makapag-abroad ako kaya dapat na akong bumalik sa dati kong trabaho? Tama ba ang naisip kong ito?

Kasagutan

Tama ka, walang malinaw na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad kaya tama ang binabalak mong bumalik sa dati mong trabaho kaysa mabakante ka na walang suweldo.

At ang pinakamaganda mong dapat gawin ay habang nagtatrabaho ka, mag-ipon ka nang mag-ipon dahil sabi mo, nakakaipon ka dahil libre lahat at kapag nakaipon ka na, wala kang dapat gawin kun­di magnegosyo sa­pagkat nagtataglay ka ng malinaw at maka­pal na Business Line (Dra­wing A. at B. N-N arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

Tanda ito na hi­git kang aasenso sa pag­nenegosyo ng mga produktong may ka­ugnayan sa butil at basic needs ng tao tulad ng bigas, asukal, kape, harina at iba pang kauri nito. Kaya tama na magnegosyo ka kaysa ipag­pilitan mo ang iyong sarili sa pangingibang-bansa na malabong mangyari sa kasalukuyan.

Dapat Gawin

Ayon sa iyong mga datos, Devorah, tama ang plano mo. Kapag nabasa mo ito, pumasyal ka sa dati mong amo at muling bumalik sa dati mong trabaho. Sa ganitong paraan, sa pakonti-konting pag-iipon ay makapagnenegosyo ka na siyang ikauunlad at ikaaasenso ng iyong buhay kahit na narito ka sa Pilipinas kapiling ang mga mahal mo sa buhay na maa­aring maganap sa malapit na hinaharap sa taong 2025 sa edad mong 35 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page