Mag-ama nadedbol sa hit and run
Quezon—Dedbol ang mag-amang lulan ng motorsiklo nang ma-hit-and-run sila ng kotse kamakalawa sa Bgy. Sta. Catalina Norte, Candelaria.
Nakilala ang mag-amang biktima na sina Ramilo, 45-anyos at Ryan James Dequino, 13, kapwa nakatira sa Bgy. Mangilag Sur sa naturang bayan.
Batay sa imbestigasyon, habang minamaneho ni Ramilo ang kanyang motorsiklo at angkas si Ryan James at isa pang anak na si Ramsey, 5-taong gulang ay aksidente silang nabangga ng rumaragasang kotse na minamaneho ng hindi pa nakikilalang driver.
Sa lakas ng pagkakabangga ay agad namatay sina Ramili at Ryan James, samantalang, nasugatan naman si Ramsey.
Pinaghahanap na ngayon ng pulisya ang tumakas na driver ng kotseng nakaaksidente sa mga biktima.





Comments