top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ikinumpara sa table napkin, pana, etc... Gown ni Kim, inokray at pinaglaruan ng mga netizens

  • Vinia Vivar
  • Sep 19, 2019
  • 2 min read

Photo: AbsCbnBall 2019

May kapalit na si Dimples Romana o Daniela Mondragon ng Kadenang Ginto sa pagkakaroon ng iba’t ibang memes habang nakasuot ng red gown at may hawak na maleta.

Si Kim Chiu naman ang pinaglalaruan ngayon ng mga netizens dahil sa suot niyang gown sa katatapos lamang na ABS-CBN Ball 2019.

In fairness, maganda naman ang backless white beaded trumpet gown ni Kim na ga­wa ng young designer na si Benj Leguiab, pero medyo kakaiba dahil tila mermaid tail ito sa dulo. Kaya umandar na naman ang pagiging creative ng mga Pinoy at kung anu-ano ang ginawa sa kanyang gown.

May meme na ginawa siyang shuttlecock o bola ng badminton, naging rocket din siya, bouquet of flowers, arrow ng pana, trumpo, eroplanong papel, table napkins at bala ng shotgun. Inilagay din siya sa ibabaw ng cupcake at kung anu-ano pa.

Viral na ang mga nasabing memes at ang dami talaga naming itinawa nang makita ito.

Maging si Kim ay nakita na rin ang kanyang funny memes at tinatawanan din niya ito. Sa kanyang Instagram Story, sey niya sa caption, “Ang dami nang narating ng gown ko!!! Hahah hihi” at inimbitahan niya ang mga followers niya to watch her vlog para malaman ang story behind the gown.

Sa nasabing vlog ni Kim ay ikinuwento niya ang journey sa paghahanap ng kanyang gown na tinawag niyang Traje de Magdalena. Makikita sa video na sobrang tuwang-tuwa si Chinita Princess nang makita niya ang kanyang gown na in fairness, talaga namang pinaghirapan ng designer ang detalye.

Marami ring pumuri sa gown at sinaluduhan din si Kim sa pagbibigay ng chance sa mga young designers.

Pero ang hirap ilakad ng gown kaya naman at some point ay binuhat pa siya ng boyfriend na si Xian Lim para lang makababa sa hagdan. Nag-viral nga rin ang video na karga-karga siya ng aktor.

At kahit inokray ang kanyang gown, isa pa rin naman si Kim sa mga head-turners nang gabing ‘yun at nakaw-pansin talaga ang kakaibang disenyo ng kanyang suot.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page