Horoscope | Setyembre 19, 2019 (Huwebes)

Sa may Kaarawan ngayong Setyembre 19, 2019 (Huwebes): Tanungin mo ang iyong sarili kung may ambisyon ka ba sa buhay mo? Kung mayroon, tinitiyak ng iyong kapalaran na makakamit mo ito at ikaw ay tiyak na yayaman.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon ay araw mo at ang ilang araw pang darating ay ganundin. Huwag mong sayangin ang pagkakataon at simulan mo na ngayon ang muling pagpapayaman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-19-20-23-39-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tapang lang ang iyong kailangan at mapasasaiyo ang malalaking pangarap mo kaya kahit kailan, hindi ka dapat masingitan ng kaduwagan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-16-28-34-36-39.
GEMINI (May 21-June 20) - Babalewalain mo ang mga payo at ipagpapaliban mo muna ang proyektong gusto mo. Ang masayang balita ay nagsasabing, tama ang gagawin mong pikit-matang pagsugod. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-19-21-23-32-38.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang umiwas. Malakas ka ngayon at lalakas ka pa. Ang dapat umiwas ay ang mga nag-aakalang mahina ka at hindi ka buwenas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-18-22-26-27-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi bingi ang langit sa mga kahilingan mo. Kumukuha lang ng malakas na buwelo ang mga suwerte mo nang sa gayun ay mapahiya ang mga taong nangmamaliit sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-11-19-21-29-32.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magugulat ka ngayon dahil ang hindi mo nagawa noon ay magagawa mo na ngayon. Makikitang kilos ka nang kilos para sa iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-10-17-20-23-31.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Muling magaganap ang pagpunta sa iyo ng mga ayaw. Muli mo ring mararanasan ang biglang pagsaya at sobrang pagsigla habang malungkot ka dahil sa pag-aakalang nabigo ka. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-15-22-24-33-36.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lalabas ang lakas ng iyong loob na matagal nang natutulog. Mararamdaman mo na ang mga imposible noon ay posible na ngayon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-24-26-29-34-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sumabay ka sa takbo ng panahon para hindi ka mapag-iiwanan. Huwag kang mag-alala dahil ayon sa kapalaran, mapasasaiyo ang lahat ng sarap sa buhay. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-17-23-25-34-43-48.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kapag iginagalaw ang katawan, ang kaduwagan ay naglalaho. Kapag kilos nang kilos kahit hindi tiyak ang layunin, matutuklasan mo na ang tagumpay ay nasa paanan mo na. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-10-13-15-23-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit litung-lito ka sa buhay mo, mapasasaiyo pa rin ang mga gusto mo. Hindi mahalaga kung may galing ka o wala dahil noon pa ay nakalaan na sa iyo ang masayang buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-20-25-30-34-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sundin mo ang kutob mo at hindi ka mapapahamak. Sundin mo rin ang pandama mo at masusumpungan mo ang iyong sarili na yakap-yakap ang iyong malalaking suwerte. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto14-17-21-24-39-40.




Comments