Mura nga pero hindi safe... Mga sakit na puwedeng makuha sa ukay-ukay
- Twincle Esquierdo
- Sep 18, 2019
- 1 min read

Mahilig tayong mga Pinoy na bumili ng mga mumurahin o second hand na gamit galing sa ibang bansa. Kabilang na rito ang mga damit, bag, sapatos at marami pang iba. Sa ibang bansa, ang tawag dito ‘thrift store’ pero rito sa atin, kilala ito bilang ‘ukay-ukay’. Bagama’t, mura at minsan ay bago pa, tinatangkilik natin ito dahil sa paniniwalang sulit ang pagbili nito, may mga maidudulot din itong hindi maganda sa ating kalusugan.
Narito ang ilang sakit na maaaring makuha sa pagbili ng second hand na mga gamit:
1. PATHOGEN. Ayon sa mga eksperto, ang pathogen ay may limang uri na maaaring magdulot ng ilang sakit sa tao. Mayroon itong limang uri kabilang ang virus, bakterya, fungi, protozoa at worms kung saan maaari itong makuha kung ang mabibiling damit o gamit ay hindi nalinis nang maayos.
2. STAPHYLOCOCCUS AUREUS. Base sa pag-aaral, nakukuha ito sa direct contact mula sa infected na tao, paggamit ng contaminated na gamit o paglanghap ng droplets mula sa pagbahing o pag-ubo. Kaya mag-ingat sa inyong mga binibiling gamit, ha?
3. SKIN IRRITATION. Ayon kay Doctor Wei Fang, ang lumang damit na nabili ay maaaring magdulot ng pangangati sa balat dahil mahigpit na nakatali ito bago ibiyahe. Ang kemikal sa loob ng package ay makaaapekto sa balat ng sinumang magsusuot nito, lalo na kung hindi ito malilinisan nang maayos bago suotin.
Kaya mga kaibigan, kung mahilig kang bumili sa ukay-ukay, siguraduhin mong malinis ang mga binili mo bago suotin o gamitin. Inirerekomenda ang pagbabad ng damit sa mainit na tubig at pagkatapos ay labhang mabuti. ‘Ika nga, maging sigurista sa pagbili para maiwasan ang mga sakit.
Okie?




Comments