Alamin ayon kay Señor.... Iba‘t ibang gawain sa pagdiriwang ng September Equinox
- BULGAR

- Sep 18, 2019
- 2 min read
Bigyang-daan natin ngayon ang email ni Tere ng Teresa_Maria@face- book.com
Dear Señor,
Ano ‘yung September Equinox? Salamat!
Naghihintay,
Tere
Sa iyo Tere,
Sa ika-23 ng September, magaganap ang Autumnal Equinox kung saan ang haba ng day time ay kapantay ng oras ng night time. Kaya ang 12-oras na day time ay gayundin sa night time.
Sa ika-24 ng September, mas mahaba na ang gabi kaysa sa araw.
Sa March sa susunod na taon, magaganap ang vernal quinox kung saan magkakapantay din ang haba ng daytime at night time at ang mga susunod na araw ay mas mahaba ang araw kaysa sa gabi.
Ang mga equinox ay itinuturing na mahahalagang fiesta ng ikot ng mundo. Dahil dito, masayang sinasalubong ng buong mundo ang equinox.
Narito ang mga ginagawa kapag ipinagdiriwang ang mga equinox:
Naghahanda ng masasarap at matatamis na pagkain.
Nag-iinuman at may masasarap na pulutan. Karaniwang nagkakatay ng baka, baboy, tupa, kambing at iba pa.
Ang mga alak ay masasarap na sadyang inilaan para sa piyestang nasabi.
Nagsasayawan buong magdamag.
Nag-aawitan at nagtutugtugan ng masasayang musika.
Nagbibigay ng mga regalo at kadalasan ay pera ang ibinibigay.
Ang mga bata ay naglalaro mula gabi hanggang umaga.
Ang mga damit na suot ay mga bago at nasa uso.
Todo-linis ng mga bahay at bakuran kung saan inaalis ang mga agiw at anumang dumi na namuo sa bahay.
Inaalis ang mga damo sa bakuran.
Bumibili ng mga bagong halaman na may bulaklak na.
Ang lahat ng ito ay ginagawa sa pagsalubong sa mga September Equinox kung saan ang suwerte at magandang takbo ng buhay at negosyo ang nasa isip ng mga tao.
Sa panahon ng pagsasaya, ang mga alipin o tauhan ay tinatrato nang maganda at sila ang pangkaraniwang nakatatanggap ng regalong pera. Gayundin, sabay na kumakain ang mayayaman at mahihirap.
Ang paghihintay ng araw at gabi sa September Equinox ay pantay-pantay din kaya sama-samang ipinagdiriwang ang espesyal na okasyong ito.
(Itutuloy)




Comments