top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Wanted na pusher, arestado

Pabs Hernandez III
Sep 17, 2019
1 min read

Quezon—Isang wanted na drug pusher ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Daungan, Mauban.

Ang suspek ay kinilalang si Rodolfo Diaz, nakatira sa nasabing barangay.

Nabatid na matagal nang pinaghahanap ng pulisya si Diaz dahil hindi umano ito tumitigil sa pagbebenta ng droga sa naturang bayan.

Nang may magbigay ng impormasyon sa kinaroroonan ni Diaz ay agad itong pinuntahan ng pulisya at inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Hindi naman pumalag si Diaz nang dakpin ito ng mga awtoridad sa nasabing lugar.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page