top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Sa mga todo-palag sa hirit niyang ang bakla ay bakla… Sigaw ni Mother Ricky: Truth hurts kaya 'd

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 17, 2019
3 min read

Bukambibig na ‘di lang sa showbiz ang pina­sikat ni Mother Ricky Reyes na “baklang hamburger,” habang ang iba ay ‘di tanggap ang tagu­ring ito ng beauty guru sa LGBTQIA+ members.

“May nagkuwento nga sa akin, may mga nagta­tanong daw sa fastfood chains kung meron silang baklang hamburger,” natatawang sabi ni Mother Ricky.

Maging sa mga spiels ni Mother Ricky sa kanyang weekly educational show na The World of Gandang Ricky Reyes na napa­pa­no­od sa GMA News TV every Sunday morning ay ginagamit na niya ang “baklang hamburger.”

“Nag-taping ako nu’ng isang araw para sa show ko. Ang sabi ko sa closing, ‘Eto po ang inyong… Pambansang Bak­lang Hamburger!’”

Kinuha rin namin ang reaksiyon ni Mother Ricky sa pagsang-ayon ng mga da­ting gay celebrities na sina Fanny Ser­rano at Anselle Beluso sa mga sinabi niya.

“I don’t have a feeling on that kasi naman ‘yung sinabi ko, lahat naman ng sinabi ko ay totoo. Eh, alam din naman nila ang totoo, you know. ‘Yun naman ang sinasabi ko, ‘yung ibang nagbibigay ng negative reaction, it is as simple as truth hurts, you know. ‘Yung katotohanan, kapag sinasabi sa ‘yo, ang hirap tanggapin, ‘di ba? Pero ‘pag tanggap daw ng tao kung ano ang pagkatao niya, everything is easy.

“Sabi nga natin, truth will never be hurting if you know how to accept yourself. Kumbaga, ayusin natin ang buhay natin. Huwag nating lagyan ng mga bisyo ng droga, huwag nang gawin ang mga bakla na prostitutes sa cybersex.

“Puwede ba, igalang naman natin ang mga sarili natin. Same thing as before, kung gaano ko kamahal ang mga bakla, pareho lang din ‘yan.”

He has nothing against LGBTQIA+. Bakla rin daw kasi siya at numero-unong bakla at nagbebestida rin daw siya. Katunayan, kinuha niya ang nakatago niyang larawan sa kanyang wallet at ipinakita sa amin kung saan nakasuot siya ng spaghetti dress na may malalim na cleavage.

“Pero dumating ‘yung punto na tumigil ako sa pag­bebestida dahil inisip ko naman ‘yung career ko na sabi ko, ‘Kailangan kong ayusin ang buhay ko. Ah, dahil wala namang mag-aayos ng buhay ko kundi ako rin.’”

Lagi raw niyang sinasabi sa lahat ng mga bading sa buong Pilipinas, walang pinakakawawang tao sa mundo kundi ang matandang baklang walang pera.

“So, dapat bata pa lang, marunong nang magtrabaho nang magtrabaho, mag-ipon nang mag-ipon para pag­tanda namin, meron kaming gagastusin sa sarili namin.”

Ang gusto lang naman daw ni Mother Ricky para sa kanilang mga members ng LGBTQIA+ ay magkaroon ng magandang buhay pagtanda at igalang ng mga tao para ‘di magmukhang kawawa at hindi parang “public amusement” daw ng mga tao.

“Ayoko nu’ng pinagtatawanan kami ng mga tao. Ayokong magmukha kaming monkey in a cage. ‘Hello, hello, hello,’ ginaganyan kami ng mga tao. Ayoko ng ganyan. Gusto ko ng paggalang.”

Pagpapatuloy pa ni Mother Ricky, “Sabi nila, igina­galang ako dahil mayaman ako. Yaman has nothing to do with that, you know. Siguro, iginagalang ako ng mga tao dahil sa what I have done in my life, ‘yung napakaraming tulong na nagawa sa tao. Simula nu’ng 1984 hanggang ngayon, ‘yung mga livelihood.”

Hindi raw dapat tumitigil sa pagtulong sa tao, gaya ng ginagawa ni Mother sa mga cancer patients na tinutulungan niya na maging maginhawa ang pagpapagamot sa pamamagitan ng CHILD (Center for Health Improvement and Life Development) Haus kung saan isa sa mga naging benepisyaryo ay ang dating presidente ng Philippine Movie Press Club na si Manay Letty Celi.

Pansamantalang nanatili si Manay Letty sa CHILD Haus habang nag-a-undergo ng treatment sa kanyang kidney. Last Sunday, ipinagdiwang ng CHILD Haus ang ika-16 taon nito kasabay ng 64th birthday ng kanilang “Kuya” at SM malls owner na si Hans Sy. Present din sa okasyon ang isa pang tumutulong sa CHILD Haus na si Mayora Tates Gana.

Ang ama ni Hans ay si Henry Sy na siyang may-ari ng building na kinalalagyan ng CHILD Haus. Kitang-kita ang saya sa mukha ni Mr. Hans sa special na pagbati sa kanya ng mga batang cancer patients pati ng mga magulang nila.

Maging si Manay Letty ay labis na natuwa nu’ng i-announce ni Mother Ricky na inaprubahan na ni Hans ang college scholarship ng apo niyang si Jeng Jeng sa National University.

Ayon kay Mother Ricky, umaabot sa mahigit P11 million ang budget nila per year sa CHILD Haus. Pero nagugulat na lang daw siya sa dami ng nagbibigay ng tulong sa CHILD Haus. Kaya naman lalo pang nai-inspire at ginaganahan si Mother na palawakin pa ang nasabing foundation.

At imbes na si Mr. Hans ang regaluhan ni Mother Ricky, ginulat siya ni Mr. Hans na magtatayo rin sila ng CHILD Haus sa Cebu next year. Bongga, ‘di ba?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page