Horoscope | Setyembre 17, 2019 (Martes)
- Maestro Honorio Ong
- Sep 17, 2019
- 2 min read

Sa may Kaarawan ngayong Setyembre 17, 2019 (Martes): Lakasan mo ang loob mo at mag-abroad ka dahil naroon ang katuparan ng lahat ng iyong mga pangarap.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lumayo ka muna. Sa paglayo, nasisilip ang mga puwede pang gawin para lalong mapaunlad ang buhay. Sa hindi paglayo, ang pagkabagot ay makikitang maghahari sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-20-25-39-40-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bilangin mo ang mga taong nakatutulong at nagbibigay ng saya sa iyo. Mas marami sila kaysa sa iilan na nagpapasama ng loob mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-16-21-24-30-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Sisingit sa iyo ang mga bagong ideya at ang mga ito ay magaganda. Pero, hindi ngayon ang tamang pagpapalit ng pormula ng tagumpay na iyong mapakikinabangan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-13-19-22-25-34.
CANCER (June 21-July 22) - Nasa mataas na antas ang iyong imahinasyon. Ito ay maganda kung gagamitin sa pagpapalago ng kabuhayan pero, hindi ito maganda kung itututok mo lang sa negatibong pananaw. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-17-23-31-33-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kalmado ang may naipon at nerbiyoso ang walang ipon. Para maisabuhay mo ang una, huwag kang tumulad sa iba na nakikipagsabayan sa pagkakaroon ng mga usong materyal na bagay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-17-26-28-34-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nagsisimula sa paisa-isang hakbang ang daan ng tagumpay. Ang maunlad na buhay ay ganundin kung saan magsisimula ka sa munting pagsisikap hanggang sa tuluyan nang magkaroon ng yaman. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-17-18-20-21-25.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lahat ay mabibigo, pero hindi lahat ay tulad ng sa iyo kung saan nagdaratingan ang magagandang oportunidad sa iyong kabiguan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-14-15-23-37-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi mo kailangan ang iba para sumaya. Pero, kailangan ka ng kapwa mo para sila ay sumaya. Sa ganito, gaganda ang buhay mo dahil magkakakulay ang iyong mundo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-17-20-26-39-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Balikan mo ang iyong nakaraan kung saan marami kang nasayang na kabuhayan. Kung maiisahan ka ng maliliit na bagay, magandang tanggapin mo ito nang maluwag sa iyong kalooban. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-18-20-21-27-34.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Madali kang mapaniniwala ngayon. Hindi masama kung ang mga mahal mo at malalapit sa puso mo ang makakaisa sa iyo. Mag-ingat ka sa mga hindi mo gaanong kakilala. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-18-19-22-27-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dapat sumunod ka sa katotohanan na ang pula ay pula. Aminin mo man o hindi, ang pagkakamali sa buhay ay naglalarawan ng mga totoong bagay. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-14-15-26-34-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bakit ka magagalit sa mga naninira sa iyo? Hindi ikaw ang nasisira kundi sila na naninira sa iyo. Kaya kahit wala kang gawin, sila ay tuluyang babagsak. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-24-25-39-40-42.




header.all-comments