Princess Eowyn, kampeon

Tagumpay ang kampanya ng kabayong Princess Eowyn nang magkampeon sa katatapos na 2019 Philracom Sampaguita Stakes race na ginanap sa Santa Ana park, Naic, Cavite kahapon.
Tinapos ng Princess Eowyn ang laban nang agawin ang bandera ng El Debarge sa huling 500 meters habang dumating na pangalawa ang Heiress of Hope at pangatlong dumating ang Doktora habang pang-apat ang Trust Me.
Tinanggap ni Dodong Diokno ang unang premyong P1.2-M sa pagkakapanalo ng kanyang kabayo na Princess Eowyn. Nakuha ang P450,000 bilang 2nd place ang kabayong Heiress of Hope, habang tinanggap ang P250,000 matapos tanghaling 3rd place ang Doktora at nag-uwi ng P100,000 bilang 4th place ang Trust Me.
Sa umpisa pa lang ng laban nagpakita ng magandang laban ang Princess Eowyn at El Debarge habang nakasunod ang Cerveza Rosas. Pagsapit sa huling likuan kinuha ng Princess Eowyn ang unahan kay El Debarge habang sumungaw ng segunda ang Heiress of Hope at dumating na pang-apat ang Trust Me pagsapit ng finish line.
Naging masaya ang karera ng Manila Horse Power nang magwagi sa race 1 ang Fire Bull at pumangalawa ang Big Big Brown. Nanalo ang facing Dixie sa race 3 bago sumapit ang laban ng Sampaguita Stakes race.





Comments