May kilala ka bang ganito? Taong otso, hindi totoong magmahal, mas labs pa ang negosyo kesa sa karel
- BULGAR

- Sep 16, 2019
- 2 min read

Katanungan
Magulo ang isip ko ngayon tungkol sa sitwasyon namin ng asawa ko. Babalik pa kaya siya kahit may ibang babae na siyang kinakasama?
Gusto ko ring malaman kung mahal pa kaya niya ako? March 8, 1987 ang birthday ko at July 8, 1984 naman ang mister ko.
Kasagutan
Tugma at compatible ang zodiac sign mong Pisces sa zodiac sign ng iyong mister na Cancer at kapwa kayo nagtataglay ng elementong water o tubig at kapwa strong number ang birth date ninyong 8.
Ibig sabihin, kung sakaling muli kayong magkasundo at magbalik sa piling mo si mister, hindi maiaalis ang posibilidad na mambabae siyang muli dahil ganu’n ang natural sa mga taong otso (8).
Kung itinakda ng tadhana na mambabae ang iyong mister habang ikaw ay magtitiis na madaling kinumpirma at pinatunayan ng destiny number mong 9 (3+8+1987= 1998/ 19+98=117/ 11+7= 18/ 1+8=9) at pinatunayan din ng iisa pero hindi masyadong makapal na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, ibig sabihin, kung ganyan ang iyong Marriage Line (1-M arrow a.), ito ay nangangahulugang daraan lang sa buhay mo ang salita at karanasang pag-aasawa, pero hindi ito tunay na rerehistro sa buhay at kapalaran mo. Tulad ng nangyayari na sa kasalukuyan, pinakasalan ka pero nambabae siya. Ikaw ang legal na asawa pero sa ibang babae siya umuuwi.
Hinggil sa itinatanong mo kung mahal ka pa ng iyong asawa, ang totoo, ang mga taong otso (silang naimpluwensiyahan ng numerong 8, 17 at 26) ay hindi totoong nagmamahal. Halimbawa, nililigawan ka ngayon at dahil dito, ipararamdam niya na mahal ka niya at mararamdaman mong mahal mo rin siya. At kaya mo sinagot ang taong otso na ito ay dahil maniniwala kang mahal ka niya.
Pero ang totoo nito, kapag nagkarelasyon na kayo, sa bandang huli ay magsasawa rin siya at kapag nagsawa na, mababawasan ang dating sobra-sobra at umaapaw na pagmamahal niya. ‘Yung ibang taong otso ay ibinibigay sa iba ang pagmamahal kung saan ang ibang taong otso ay sa negosyo at pagpapayaman nila ibinubuhos ang energy ng love na nawala sa kanilang ex kaya ang mga taong otso ay mabilis na yumayaman. At mapapansin mo talaga na mas mahal pa ng taong otso ang kanyang negosyo kaysa sa kanyang pamilya. May mga taong otso rin na kapag medyo matanda na at hindi yumaman, ibinibigay nila ang pagmamahal nila sa relihiyon, kaya silang mga taong otso ang nagiging layko o mga indibidwal na kasapi ng Simbahan.
Dapat Gawin
Ayon sa iyong mga datos, Mrs. Pisces, maganda ang mga guhit ng iyong mga palad. Ibig sabihin, kung mapagaganda mo ang iyong lagda, tiyak ang magaganap, anuman ang katayuan at kalaga- yan mo sa buhay at sa sarili mong pagsisikap, magagawa mong mapaunlad ang sarili mong kabuhayan at mapaliligaya mo ang iyong pamilya, habambuhay. Maaari ka ring makapagnegosyo at yumaman kahit iwanan ka ng iyong mister na magsisimulang mangyari at matupad sa taong 2028 sa edad mong 41 pataas.




Comments