Magsasaka, pinatay ng riding-in-tandem
- Pabs Hernandez III
- Sep 16, 2019
- 1 min read
Camarines Sur — Patay ang magsasaka nang pagbabarilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Perpetual Help, Iriga City.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Paterno Llorente, nakatira sa Bgy. San Roque sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, nakasakay sa kanyang motorsiklo si Llorente nang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay din sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima hanggang sa mapatay.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima. Naglunsad na rin ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang mga suspek.





Comments