top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Basilan at Trip, babanat para sa semifinals ng D-League

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 16, 2019
1 min read

Angkinin ang huling dalawang semifinals seat ang sisikapin ng top 2 teams sa Group B na BRT Sumisip Basilan-St.Clare at Techno­logical Institute of the Philip­pines sa pagsalang nila nga­yong hapon sa pagpapatuloy ng 2019 PBA D-League Foundation Cup quarter­finals sa Paco Arena.

Undefeated sa 6 na laro nila noong elimination round, paboritong mama­yani ang top seed at twice-to-beat Saints kontra sa no.4 team Hyperwash sa kani­lang tapatan ngayong ala-1:30 ng hapon.

Matinding bakbakan ang inaasahan ng may ben­tahe ding twice to beat at no. 2 team Engineers sa tampok na laro ng 3:30 p.m. kontra sa third seed Black Mamba Energy Drink na bagamat isa sa mga baguhang kopo­nan ngayong conference ay pinangungunahan ng mga beteranong manlalaro na gaya nina PJ Barua, Bobby Balucanag, Jett Vidal at John Tayongtong.

Sa kampo ng TIP, aasa­han ni coach Potit de Vera upang pamunuan ang kopo­nan patungo sa semifinals sina Senegalese big man Papa N Diaye, Russel Tan at Bryan Santos.

Para naman sa panig ng Saints, umaasa si coach Ste­enson Tiu na mag i-step-up ng husto ang kanyang mga manlalaro upang marating ang hangad na pagsulong sa kampeonato.

Sasandalan tiyak muli ni Tiu sina Malian big man Muhammad Pare, kasama sina Jessie Collado, Junjie Hallare, Joshua Fontanilla at Darwin Lunor.

Sa panig naman ng kani­lang katunggali, inaasahan na mangunguna para sa Vi­pers sina JR Cawaling, Mac Montilla at Ryan Buenafe. Ang mananalo sa laban ng BRT Sumisip Basilan at Hy­perwash ang makakasagupa sa darating na semis ng Centro Escolar University habang makakalaban ng win­ner ng tapatang TIP at Black Mamba ang Marine­rong Pilipino. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page