top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Trapik sa isip, mas mahirap ayusin kesa sa nasa Edsa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 15, 2019
  • 2 min read

Napakaliit lamang ng Hong Kong, pero ma­ayos ang sistema ng trans­por­tasyon nito. Maraming kalsada at lebel ng mga daan para hindi mabarahan ang daloy ng trapiko. Sa totoo lang, hindi na kailangang gu­mamit ng sariling sasakyan dahil sa maaasahang sistema ng transportasyon.

Bakit mahusay ang sistema ng transportasyon ng Hong Kong? Una, ma­rarating mo ang mga nais mong pun­tahan sa pamamagitan ng “Underground Train System”.

Sa halos apat na taong pagtira at pag­tatrabaho namin dito, kahit mayroong taxi, bus o minibus, wala kaming ibang gi­na­mit na sasakyan kundi ang tren.

Bago namin makalimutan, meron din silang “ferry” o maliliit na sasakyang-pan­­dagat na naghahatid sa mga pasa­hero papunta at pabalik sa mga isla na pumapalibot sa Hong Kong at karatig ng Kowloon.

Pangalawa, may disiplina ang mga drayber. Wala kaming nakadaupang-pa­lad na kaskasero at bastos. Ang angkop na salita para sa mga drayber doon ay ‘propesyunal.’

Pangatlo, naririyan lang sa tabi-tabi ang kapulisan. Makikita silang naglala­kad na ‘buddy-buddy’ sa mga kalye at kung saan-saan. Kapag may aberya o problema, madali silang natatawag at sa loob ng ilang minuto ay nariyan na sila.

Kotong? Wala sa kanilang bokabu­laryo ‘yan dahil may CCTV kahit saan kaya kapag may traffic violation, hindi kailangang mag-ticket dahil ipadadala sa iyong bahay ang notice of violation para magbayad ka sa pinakamalapit na tanggapan o ahensiya ng transportas­yon.

Pang-apat, malinaw ang papel ng pamahalaan sa paglagay ng hangganan o regulasyon sa anumang bagay tulad ng pagbibigay ng lisensiya, prangkisa, linya at maging ang pagbenta ng mga sasakyan.

Kamakailan, ipinaliwanag ng MMDA kung bakit grabe ang trapiko sa Metro Manila, partikular sa EDSA. Libu-libong bagong sasakyan ang naibebenta sa mga konsiyumer taun-taon kaya libu-libo rin ang nadaragdag sa kalye ng Metro Manila. Bakit? Dahil walang malinaw at sistematikong regulasyon, lahat ay ma­dali basta may pera!

Madaling bumili ng sasakyan dahil madaling umutang sa bangko. Mababa lang ang down payment at may motor­siklo pang maaaring ilabas kahit walang down payment.

Salamat sa Road Widening Project ng nakaraang administrasyon, lumu­wang ang maraming daan. Ngunit, ano ang nangyari pagkatapos palawakin ang mga daan? Naging ‘malaking pa­radahan’ ang mga ito!

Ano ang nasa likod ng mga nabang­git nating dahilan (may masasakyan papunta sa iba’t ibang sulok ng Hong Kong; nagtatrabaho nang matino ang pulisya at hindi palpak ang regulasyon)?

Planning, implementation at regula­tion — sa tingin natin ay kaya ito, lalo na kung gugustuhin, gagawin at manini­walang kaya.

May ibang klase ng ‘trapik’ na ma­hirap ayusin. Ito ang ‘trapik’ sa isip na walang nakikita kundi ang gusto lamang makita. Walang malinaw na plano at inu­udyukan lamang ng peke at pansaman­talang ‘pagbabago’ dulot ng pansariling interes.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page