Rider, dedbol sa van
- Pabs Hernandez III
- Sep 15, 2019
- 1 min read
LEYTE — Patay ang isang rider nang aksidenteng mabangga ng van ang kinalululanan nitong motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Dapdap, Alang-Alang.
Nakilala ang biktima na si Ederson Samson, nakatira sa bayan ng Pastrana. Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng van na minamaneho ni Carlo Abajon kaya aksidenteng nabangga ang motorsiklong minamaneho ng biktima.
Nabatid na namatay sa mismong pinangyarihan ng aksidente si Samson, samantalang sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in homicide si Abajon.





Comments