Mas oks kesa sa chemotheraphy... Pinya, panlaban sa depresyon at kanser


Maasim na manamis-namis na prutas na maraming mata at may scientific name na Ananas cosmosus, ‘yan ang pinya. Mabisa ito para sa pagpapapayat at panunaw ng pagkain. Gayundin, epektibo itong pansala ng dugo at panlunas sa gastro-intestinal disorder, sakit sa larynx at pharynx, diabetes, asthma atbp. Pero, bukod sa mga nabanggit, alam n‘yo ba na epektibo rin itong panlaban sa depresyon?
Sey ng experts, tila kailangan na ring tangkilikin ng mga bagets ang pinya lalo na ngayong nakababahala ang pagtaas ng bilang ng mga kabataang nagpapakamatay dahil sa depresyon. Ayon sa World Health Organization (WHO), taong 2017, suicide ang pangalawa sa pangunahing sanhi ng pagpapakamatay ng mga edad 15-29 at ngayong 2019, anila, nadaragdagan ang kaso ng pagpapakamatay kada 40 segundo.
Samantala, ayon sa Medical Indian Journal, ang pinya ay mayroong antidepressant effects na makukuha sa mga antidepressant na fluoxetine at imipramine. May kakayahan din itong i-block ang monoamine oxidase enzyme, isang uri ng enzyme na nakapagti-trigger ng depresyon.
Gayundin, sey ng psychologist na si Jillian Levy, dahil sa amino acid tryptophan na nakapagpo-produce ng serotonin o happy hormones na taglay ng pinya, napabubuti nito ang mood at nagsisilbing panlaban sa depresyon at anxiety. Ito ay sagana rin sa Vitamins B at C, manganese at folate na importante para sa neurological system at produksiyon ng good mood hormones.
Bukod pa rito, ayon sa Plant Medical Journal, ang pinya ay sagana sa bromeline o proteolytic enzyme na natural extract na nagpapabilis ng paghilom ng mga sugat at katulad ng aspirin o ibuprofen, nakagagamot ito ng anumang uri ng inflammation.
Bukod dito, mayroon itong cytotoxins na mabisang pamatay ng cancer cells kung saan ayon sa mga eksperto, inirerekomenda ito kaysa sa traditional chemotherapy dahil tanging cancer cells lang ang pinapatay nito nang hindi nadadamay ang healthy cells.
Sana, ugaliin natin ang pagkain ng mga pagkain na nakapagpapaganda ng ating mood. Sa rami ng negativities na nararanasan natin, manatili tayong matatag dahil hindi kailanman solusyon ang pagtakas o paglalagay ng tuldok o wakas sa ating buhay. Copy?





Comments