top of page
WINNER - ALEX, INILANTAD NA ANG PAGBUBUNTIS-IG _cathygonzaga.jpg

Gold silver na singsing, dapat isuot ng matandang dalaga para makapag-asawa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 15, 2019
  • 3 min read

Dear Maestro,

Forty years old na ako at tulad ng ibang suma­sangguni sa inyo, pag-ibig din ang problema ko.

Wala pa akong boy­friend kaya natatakot ako na baka tumandang dalaga ako.

Gusto kong malaman kung magkaka-BF, maka­pag-aasawa at magkaka­roon pa kaya ako ng simple at masayang pamilya? Sep­tember 10, 1979 ang birth­day ko.

Umaasa,

Ms. Virgo ng San Gregorio, Alaminos, Laguna

Dear Ms. Virgo,

Oo, makapag-aasawa ka pa dahil bihira sa mga taong uno na tulad mo (ang 10 ay 1+0=1) ang hindi nakapag-aasawa, lalo na at ikaw ay ma­talino at magaling na Vir­go.

Ang naging problema lang sa iyo ay ang destiny number mong 9 (9+10+ 1979=1998/ 19+98=117/ 11+7=18/ 1+8=9) na mas­yadong maraming iniisip at pinapangarap kung saan nakalimutan mong isipin at pangarapin na magkaroon ng mapapangasawa at ma­kapagtayo ng simple, disen­te at masayang pamilya.

Gayunman, upang mai­wasan ang pagtandang da­laga, mabuting ganito ang gawin mo:

Una, upang maipairal mo ang zodiac sign na Virgo, sa halip na ang destiny number nine (9) na kung anu-ano ang iniisip wala sa konsentras­yon, mabuting makipagka­ibigan ka sa mga taong isi­nilang sa zodiac signs na Tau­rus, Capricorn at kapwa mo Virgo, gayundin sa mga Libra, Pisces at Gemini.

Sa piling ng mga zodiac sign na nabanggit, makada­rama ka ng init ng damdamin at kakaibang sigla. Dahil dito, kusang kikilos ang iyong mga paa at kusang sisigla ang tibok ng iyong puso at sa ga­nu’ng paraan, mas madali ka nang makapag-aasawa.

Pangalawa, dapat mag­suot ka ng gold o silver na singsing na may palamuting batong sapphire upang mag­silbing anting-anting o talis­man na pang-akit ng mga su­werte, hindi lang sa pag-ibig kundi sa halos lahat ng as­peto ng iyong buhay.

Bakit kaya kailangan ang singsing o iba pang hiyas sa katawan para magkamit ng suwerte ang tao? Hindi nau­una­waan ng iba na ang sing­sing at iba pang hiyas ay ma­aaring una, simbolikal lang.

Pero, sa kabila ng pagi­ging simbolikal nito, ito rin ang magpapaalala sa iyong isipan at kaluluwa sa tuwing makikita mo itong nakaka­bit sa iyong daliri na ikaw ay su­suwertehin dahil suot mo ang mapalad mong alahas.

Kumbaga, ang uncons­cious mind mo ang nagdidikta kay conscious-self na obli­gado kang suwertehin dahil ikaw ay nagtataglay ng maka­pang­yarihang singsing.

Ganundin ang ibig sabi­hin ng setro ng hari o tungkod ng hari. Simbolo ito sa big­lang tingin, subalit, 'yun din ang nag­­papaalala sa kanya, ka­sama ang kanyang korona at magarang espada na kung anuman ang sabihin niya ay hindi mababali. At batid din ng kanyang mga nasasaku­pan na dahil sa taglay niyang korona, setro at espada, ka­ila­ngan nilang igalang at sun­din ang utos ng hari.

Ito rin ang dahilan kung bakit ang mga madre, pari at Obispo ay may singsing sa kanilang mga daliri. Hindi lang dahil kasal sila kay Jesus at hindi puwedeng mag-asawa, bagkus, may isa pang dahilan at ito ay simbolo ng kabanalan at paglilingkod sa kanilang nasasakupang ko­mu­nidad.

Ganundin ang singsing ng mga college graduate, bagama’t, college ring ‘yun, nagpapaalala rin ‘yun sa ka­nilang unconscious mind na hindi sila dapat pumatol sa mga mangmang at dahil may higit silang kaalaman, dapat silang magpasensiya at ma­ging maunawain.

At bilang alumni sa par­tikular na paaralan o uniber­sidad, ang singsing ay nagpa­pahiwatig din na dapat ma­ging maingat at pino ang pag­katao nito dahil nakasalalay sa kanyang propesyon ang imahe ng kanyang alma-mater.

Samakatwid, mahalaga ang singsing o anumang simbolo na suot mo sa iyong katawan upang idikta ng iyong unconscious mind sa iyong conscious-self na ikaw ay may kapangyarihang tina­taglay habang suot ang nasa­bing makapangyarihang mga bagay, bukod pa kung ang suot mong singsing ay toto­ong inorasyunan ng banal na antingero o tao.

Pangatlo, ang tao ay mayroong metal sa katawan at ito ay ang ‘iron’. Bukod pa rito, may iba pang metal sa ating katawan. At ang unang prinsipyo upang ang tao ay lumigaya at magka­roon ng kapangyarihan, sa terminong pangmedisina na­man ay upang ang tao ay ma­ging malusog, kailangan kumpleto ng nutrients o sus­tansiya ang katawan.

Ang singsing na yari sa gold o silver ay may kapang­yarihang taglay, psychologi­cally at spiritually upang ma­kumpleto ang iyong “spiri­tual self”.

Kapag kumpleto na ang iyong spiritual self, lalakas ang iyong awra at ang ma­ningning mong pagkatao ang kusang aakit at sasagap ng suwerte at magandang ka­palaran.

Habang, ayon sa iyong Love Calendar, Ms. Virgo, pan­­samantala mong sundin ang mga inilahad sa itaas para makapag-asawa ka. Sa edad mong 42 sa taong 2021, sa buwan ng Mayo o Ok­tubre, makapag-aasawa ka na at sa piling ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Taurus, ang itatayo ninyong pa­milya ay habambuhay nang magiging maligaya.

Sa mga susunod na araw, tatalakayin naman natin ang ilang paraan para mapala­kas ang ningning ng inner-self at ‘multivitamins’ para sa spiri­tual life upang maging ma­ta­gumpay at maligayang indi­bidwal.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page