top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Feeling nasa cloud din? Magaling na aktres, 'out of this World' ang suot na gown sa event, h

  • Erlida Rapadas
  • Sep 15, 2019
  • 1 min read

BLIND ITEM:

Marami ang nalo­ka sa suot ng isang magaling na aktres nang dumalo sa isang mala­king showbiz event kamakai­lan lang. Kasama pa ng aktres ang kanyang anak at terno sila ng kasuotan.

May theme o dress code sa nasabing event. Sumunod naman ang aktres pero kakaiba ang style ng kanyang damit. May pagka-Star Awards o Barbarella ang style kaya halatang hindi siya komportableng kumilos.

Nakakapanghinayang dahil sa halip na makita ng fans ang kanyang mukha, eh, hindi nga masyadong makarampa ang aktres dahil hirap na hirap siya sa suot niyang gown na hindi talaga bumagay sa kanyang edad at persona­lidad.

Ang nakakaloka pa, pati ang anak niyang babae na wala pang seven years old ay pinaga­wan din niya ng katernong damit para twinning sila. Hayun tuloy, pati ang pobresitang anak, eh, hindi rin gaanong makakilos dahil nahihirapan sa style ng damit na ipinasuot sa kanya ng mommy niyang aktres. No choice ang bata dahil ‘yun ang gusto ng kanyang mom.

Hindi nga gaanong napansin ang aktres sa nasabing big showbiz event. Minsan lang siyang tinawag at umakyat ng stage at hindi na nakarampa at nakaawra hanggang sa matapos ang nasabing event. Hindi man lang pinansin ng lahat ang kakaiba niyang kasuotan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page