Ellen, 'di pa binabalikan pero… John Lloyd, back to normal na, 'di na mukhang ermitanyo


Tanong ng madlang pipol, “Ano ba talaga, John Lloyd Cruz at Ellen Adarna? Magkakabalikan pa ba kayo as live-in lovers lalo’t may dyunak na kayo o hindi na talaga?”
Eh, kasi naman itong si Lloydie, bakit ayaw pang iwanan ang bayang sinilangan ni Ellen, ang Cebu City?
May tipong naging kaibigan du’n si Lloydie na nag-upload sa Instagram ng photo habang nagkakasiyahan sila sa isang bar sa may F. Ramos St., Cebu nito lang nakaraang Huwebes (Sept. 12) with matching caption na: “Enjoying Cebu’s best beefsteak.”
Hindi na balbas-sarado at hindi na rin ito mukhang depressed na ermitanyo.
Aba, eh, kung babalikan ni Lloydie si Ellen ay baka hindi lang ang Cebu’s best beefsteak ang kanyang ma-enjoy kundi si Ellen mismo na tipong kaelya-elya na naman ang fezlak at wankatitat. ‘Yun, oh!
At siyempre, enjoy din sa piling ng kanilang first-born love child, ‘noh! Na tipong swak na kantahin ni Lloydie kay Ellen ang awiting may lyrics that goes… “Baby come back, any kind of fool can see, spending all my money going out of town… There was something in everything about you… Baby come back, you can blame it all on me I was wrong, and I just can’t live without you.”
Boom, zzziiiboommm!





Comments