top of page
WINNER - DEREK, ENDORSER NG ONLINE GAMBLING-IG _ramseyderek07.jpg

'Di raw nabayaran nu'ng nagtatrabaho pa sa TV host… Kris, hinahabol ni Nicko Falcis sa P12 M

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 15, 2019
  • 1 min read

Nitz Miralles / Bida

Kris, hinahabol ni Nicko Falcis

Aalis na naman si Kris Aquino at ang mga anak na sina Josh at Bimby at sabi ni Tetay, last trip nila itong mag-iina bago bumalik sa school si Bimby na Grade 7 na.

Hindi na binanggit ni Kris kung saan sila pupunta. Basta sobrang excited si Josh nang malaman kung saan sila pupunta at hindi na nakatulog.

Hindi na pala nag-update si Kris ng resulta ng hearing nila noong Friday ng cyber libel case na isinampa niya laban kay Atty. Jesus Falcis. Sabagay, magandang hindi muna niya ipinaalam kung paano nagtapos ang hearing.

Wala pa ring reaction si Kris sa balitang humihingi ang kampo ni Nicko Falcis ng P12M representing his unpaid commissions daw noong nagtatrabaho pa siya kay Kris. Nagpadala ng demand letter ang kampo ni Nicko Falcis kay Kris na tiyak namang natanggap na ng aktres.

Comments ng mga netizens, baka kaya hindi na nag-react si Kris ay dahil hinayaan na ang kanyang mga abogado na sumagot sa demand letter at aksiyunan ito.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page