Aktres-singer, 'di makapaniwala… Julie Anne, palit kay Regine sa siyete


May chemistry ang tandem nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz at kayang-kaya nilang gampanan ang pagiging Clash Master sa The Clash Season 2.
Sobrang flattered si Julie Anne na sa kanya ipinagkatiwala ng GMA Network ang paghawak sa Season 2 ng The Clash katuwang si Rayver Cruz.
Ipinagdasal daw niya noon na sana, mabigyan siya ng chance mapasama sa The Clash. Hindi siya makapaniwala na ang pagiging Clash Master ang ibibigay sa kanya.
May pressure, pero malaking challenge para kay Julie Anne dahil ang unang Clash Master ay ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez, pero ibinigay naman niya ang kanyang best para sa titulo.
Sina Ken Chan at Rita Daniela naman ang magsisilbing The Clash Journey Hosts, samantalang sina Ai Ai Delas Alas, Lani Misalucha at Christian Bautista ang mga judges.
Haharap at magpapakita ng galing sa pagkanta at pagpe-perform ang animnapu’t apat na Clashers na umaasang mabibigyan ng magandang oportunidad tulad ng mga naunang finalists ng The Clash Season 1.
Ang The Clash ay ididirek ni Louie Ignacio.
Sina Julie Anne, Rayver, Ken at Rita ay kasama rin sa programang Studio 7 na napapanood tuwing Sabado. Pero kapag nagsimula na ang The Clash, iiwan na nila ang Studio 7.





Comments