Libreng bigas palit sa 4Ps ng DSWD, pansagip sa mga luging magsasaka
- BULGAR

- Sep 14, 2019
- 1 min read
Kasunod ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na bilhin ang palay ng mga magsasaka, inaasahang babaha ng murang bigas.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), ikakalat ang 3.6 milyong sako ng National Food Authority (NFA) rice para bumaba sa P27 ang presyo ng kada kilo.
Kapag naibenta sa retail price na P27 per kilo, kikita ang ahensiya ng P4.86 bilyon na gagamitin sa pagbili ng mga palay ng mga magsasaka.
Kung saan nais ng ahensiya na tumaas sa P19 mula P17 ang bentahan ng palay ng local farmers.
Kaugnay nito, bababa rin umano sa rasonableng presyo ang commercial rice na mula P40 ay magiging nasa pagitan ng P32 at P34 kada kilo na lang.
Nakikiisa rin dito ang iba pang ahensiya ng gobyerno tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sa halip na P600 cash, bigas na ang ibibigay sa mga beneficiary ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Maaari silang bumili sa mga lokal na pamahalaan o sa NFA para may tiyak na market ang mga magsasaka para sa kanilang produkto.
Matatandaang, iniutos ng pangulo na bilhin ang palay ng mga magsasaka makaraang bumagsak sa P7 hanggang P10 ang bentahan na sinasabing epekto ng bagong batas.
Kumbaga, “hitting two birds with one stone” ang kautusang ito. Makikinabang ang taumbayan sa murang bigas habang makakabenta naman ang ating mga magsasaka.





Comments