Wonder kung sino sila? Knows n'yo, pramis! 2 Comedians, buking ng network na todo-raket sa laba
- Erlida Rapadas
- Sep 13, 2019
- 1 min read
BLIND ITEM:
Nakakapanghinayang naman na mas malaking exposure ang nawala sa dalawang sumisikat na comedians dahil nabuking ang kanilang pagsa-sideline na hindi ipinaalam sa mga tao sa isang malaking network.
Isinama ang dalawang comedians sa ilang shows ng network. Maganda ang exposure nila sa mga nasabing shows kaya dumami rin ang offers sa kanila maging abroad.
Tanggap sila nang tanggap ng mga shows at hindi naging prayoridad ang network shows na ibinigay sa kanila kaya lagi silang nawawala at hindi sumisipot.
Nabuking na rin ang raket nila kahit gaano pa ang kanilang pagtatago at pagsisikreto. Kaya naman sinuspinde na sila ng kanilang network at may memo na hindi muna bibigyan ng mga shows o TV guestings.
Anyway, may mga comedy bars naman na puwedeng balikan ang dalawang comedians pero iba pa rin ang impact kapag artista na sila sa telebisyon at napapanood ng marami hanggang abroad. Sinayang nila ang big break at magandang exposure na ibinigay sa kanila.





Comments