Wanted na kagawad, tiklo
- Pabs Hernandez III
- Sep 13, 2019
- 1 min read
Zamboanga Del Norte—Isang wanted na kagawad ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Goin, Liloy.
Ang suspek ay nakilalang si Kagawad Ricky Maghanoy, residente sa nasabing barangay.
Nabatid na inaresto ng pulisya si Maghanoy sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong grave threat sa lalawigan.
Kusa namang sumama sa mga awtoridad si Maganoy nang dakpin sa nasabing lugar.





Comments