Todo-bonding na rin sa mga friends… Kris, active na uli sa socmed kaya hapi na naman

Nitz Miralles / Bida

Natutuwa ang mga supporters ni Kris Aquino dahil balik na ang sigla nito, active na uli sa pag-a-upload ng video at pag-i-interview for her YouTube channel at pati sa Facebook.
Sabi rin nito, “The laughter is back” at maririnig nga ang malulutong nitong halakhak habang ini-interview ang makeup artist niyang si RB Chanco.
Sa isa pang post ni Kris, nakabihis ito at may dinner daw siya with some lady friends at female bonding nila. Last time na nakitang nakabihis na pang-party si Kris ay sa dinner nilang mag-iina kasama si Willie Revillame at sinundan ng bago niyang picture na tinawag niyang “toughchickvibe.”
Comment nga ni John Arcilla, “Galing. Bagay sa ‘yo. I think you have to consider experimenting on a rockstar or punk character para maiba lang. Kuwela ‘yan...”
Sa isa pang post, nasa kanyang kitchen si Kris at nagluluto at kahit para sa endorsement niya ‘yun, at least, she’s back to cooking at sabi nga nito, “I’m back to being me because my kitchen is again, my creative space where I can express my love for the people who mean the world to me.”
Ang hinihintay na lang ng mga supporters ni Kris ay gumawa na siya ng movie at magkaroon ng TV show at ‘pag nangyari ‘yun, mas sasaya ang pagpa-fangirling nila.





Comments