top of page
Pokwang.jpg

Nag-aral na raw siya para 'di na maloko ang madir… Ibinuking ni Kc: Sharon, mahilig bumili ng di

Vinia Vivar
Sep 13, 2019
2 min read

Inamin ni KC Concepcion that she’s dating now, which means wala na talaga sila ng French filmmaker na si Pierre Emmanuel Plassart.

Sa interview ng TV showbiz correspondent na si MJ Marfori, bagama’t hindi kinumpirma ng dalaga ni Sharon Cuneta ang breakup, wala rin naman siyang denial kaya we guess, ‘yun na nga ‘yun.

Diretsahan nga siyang tinanong kung ano ang status niya ngayon at ang paiwas na lang niyang sambit, “I’m fresh, as fresh as my foundation,” sabay-tawa.

Pero, nang madako ang usapan sa body-shaming, malaya namang nagpaha­yag si KC ng kanyang opinyon tungkol dito lalo pa nga’t nararanasan niya rin ito mula sa kanyang mga bashers.

Aniya ay hindi lang sa LGBTQ community nangyayari ang diskriminasyon, kundi maging sa mga kababaihan.

“For example, sa body shape mo, or sa kulay ng balat mo, may mestizo, may morena, may in between, ‘di ba?

“Mayroong payat, may chubby, me­rong sexy-chubby,” sabay-hagikgik na ala-Sharon Cuneta.

At nais daw niyang iparating sa ating mga kababaihan na dapat ay tanggapin kung ano man ang katawan ng mga ito.

“Kasi, for example sa ibang bansa, like sa States, may mga fashion shows na nga­yon na as in iba-ibang size, iba-ibang kulay ng tao.”

Nang matanong kung ayaw na ba niya talagang bumalik sa showbiz, aniya, “Hindi naman sa ayaw ko na, hindi naman siguro mawawala ‘yung ganito sa dugo ko. Love ko ‘tong job na ‘to, love ko kayo, sobrang gusto ko ‘to, eh. Ito lang din talaga ‘yung gusto ko, eh.”

‘Katuwa rin ‘yung sey niya na since nag-aaral siya ngayon ng Gemology (Science dealing with natural and artificial gemstone materials), hindi na raw maloloko ang mommy niya sa pagbili ng diamonds.

“‘Yung family ko, mahilig sa mga batu-bato. So, sabi ko, ‘Para hindi ka na maloko, Ma,’ sabi ko, ‘Kung anu-ano ang binibili mo, hindi mo alam kung tunay ‘yan or kung fake, ‘di ba?’” natatawa pa niyang sey.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page