top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

'Di ma-take na kinabog ni Alden… Daniel, humirit sa dos ng movie uli nila ni Kathryn

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 13, 2019
  • 1 min read

Hindi naman big deal para sa kampo ni Alden Richards ang Star Magic Ball. Kahit pa raw imbitahan sa nasabing event ang Asia’s Multimedia Star/Box Office King, eh, hindi rin magiging katanggap-tanggap ito sa mga artista ng Star Magic/Kapamilya stars.

Certified Kapuso actor si Alden at kaya lang siya naging close kina Kathryn Ber­nardo atbp. artista ng Dos ay dahil nag­kasama sila sa blockbuster movie na Hello, Love, Goodbye. Other than that, wala nang dahilan upang makipag-bonding pa si Alden sa mga artista ng ABS-CBN. Maa-out of place lang siya sa Star Magic Ball.

Samantala, may mga nag­sasabing insecure si Daniel Padilla sa lakas ng hatak sa moviegoers ng tambalang KathDen (Kathryn-Alden) kaya nag-emote ito na gawan din sila agad ng Star Cinema ng reunion movie ni Kathryn na kukunan pa sa Iceland.

Mukhang ayaw pakabog ng KathNiel fans sa super box office result ng KathDen movie na Hello, Love, Goodbye.

Ang tanong, kung hindi si Direk Cathy Garcia-Molina ang direktor ng pelikula nina Kath­ryn at Daniel, kikita pa rin ba ito tulad ng The Hows of Us? Ano’ng garantiya na kakabugin nito ang record sa takilya na naitala ng KathDen movie?

‘Yun ang malaking challenge sa tambalang KathNiel.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page