Biyernes 13: Shanghai noon, abangan sa CR 10
- Ding Taboy
- Sep 13, 2019
- 2 min read

Hahataw ang 7 karera na paglalabanan ng pawang magagaling na mananakbo sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.
Maghaharap ang Condition Race Merged (10), Condition Race (18), (20) at (22),3 Year Old and Above Maiden Race, Group Race (11) at Group Race Merged (9-10). Magaganap ang Winner Take All (WTA), Pick 6, Pick 5 at Pick 4, Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six.
Sa Race 1, umpisa ng WTA sa Condition Race Merged (10), pinapaboran ang Shanghai Noon, makakalaban ang Will To Win, The Centurion at couple entry na Hidden Light at San Rafael, Gil Magic. Paglalabanan ng Makaarem, Concepcion, Chi Nita at Magnifico sa tagpong magaganap sa CR-(18) sa Race 2 na simula ng Pick 6. Sa Race 3 kung saan magsisimula ang Pick 5 na pinapaboran ang Coastal Road kontra Musikera at Adorable Felicia.
Ipinapatok ang Miss Campbell habang makakalaban ang Great Style, BulletProof at Money Vault na magsisimula ng Pick 4 sa Race 4 sa 3 Year Old &Above Maiden Race. Sa Race 5, nakalalamang ang Awat Na Boy habang makakatunggali ang couple entry na Princess Mamba, Aston Martin, Queen Hayley couple entry na maligalig at Regina’s Choice sa CR(22).
Sa Race 6, paratingan ang couple entry na No Regret at Be Humble, Heat Resistance, Johnny Be Good at Palos sa Group Race (11). Paratinganan din ng couple entry ang Bossa Nova at Tit For Tat at Radio Active sa WTA, Pick 6, Pick 5, at Pick 4 sa Race 7. Tips ni Mang Ding: Race 1- Shanghai Noon (10) Will To Win (4) Race 2- Makaarem (2) Concepcion(3) Race 3- Coastal Road (5) Musikera (4) Race 4- Miss Campbell (5) Great Style (7) Race 5- Awat na Boy (4) Entry No.1 Race 6- Entry No.1 Heat Resistance (8) Race 7- Radio Active (6) Entry No.1 WTA(1-7)10-4/2-3/4-5/5-7/1-4/1-8/6-1/ Pick 6 (2-7) 2-3/4-5/5-7/1-4/1-8/6-1/ Pick 5(3-7) 4-5/5-7/1-4/1-8/6-1/ Pick 4(4-7) 5-7/1-4/1-8/6-1





Comments