top of page
Pokwang.jpg

Horoscope | Setyem­bre 11, 2019 (Miyerku­les)

Maestro Honorio Ong
Sep 11, 2019
2 min read

Bulgar Horoscope

SA MAY KAARAWAN NGAYONG SETYEM­BRE 11, 2019 (Miyerku­les): Ingatan mo ang iyong sarili na masyadong ma­hilig sa pakikipagsapala­ran. Higit sa lahat, ang pag­pupundar ng iyong kabu­ha­yan ang pinakamahalaga.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka da­pat mabihag ng pagsasaya at paglalakwatsa. Malaki ang mawawala sa iyo ‘pag nagkaganu’n. Dapat pa­lagi kang malaya sa lahat ng panahon. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masuwer­teng kulay-black. Tips sa lotto-8-11-17-20-27-30.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Aanihin mo ang mata­ta­mis na bunga ng iyong mga pagsisikap. Maging masinop at ma­pagpahalaga sa mga pi­naghirapan mo. Ang mga pagsisikap mo ay hindi biro. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-19-24-27-30-35.

GEMINI (May 21-June 20) - Doble-doble ang iyong pa­nalo kaya lu­maban ka. Huwag mong atrasan ang mga hamon ng iyong kapalaran. Muli, lu­maban ka! Ito ang men­sa­he ng iyong kapalaran. Ma­suwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-17-20-25-31-32.

CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang malibang sa mga suwer­teng nagdaratingan. Ituloy mo pa rin ang paghakbang mo sa landas ng buhay papunta sa iyong mga pangarap. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-11-13-20-29-38.

LEO (July 23-Aug. 22) - Muli, nakasalalay sa mga kamay mo ang kapa­laran ng mga nasa paligid mo. Pagod ka man o tina­tamad na sa pagsisikap, itu­loy mo pa rin ang pag­tu­long sa kapwa. Masu­wer­teng kulay-brown. Tips sa lotto-9-18-25-27-40-45.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi nawa­wala ang liwa­nag ng iyong buhay. Natatakpan lang ito ng mga ulap at pag-aalin­langan na siyang da­hilan kung bakit hindi ma­kakilos ang may panga­rap. Masu­werteng kulay-white. Tips sa lotto-3-16-21-22-34-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakatutuwa ang kapala­ran mo. Masarap na ang buhay mo at may mga handa pa ring alayan ka ng dagdag na sarap ng buhay. Mag-ingat ka sa mga regalo na naghihin­tay ng kapalit. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-18-22-28-35-37.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kapag nag­dududa ka, umatras ka da­hil ikaw ang taong may ma­lakas na kutob at hindi ka darayain nito. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yel­low. Tips sa lotto-17-20-29-31-32-44.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Haluan mo ng pagla­laro ang iyong buhay dahil ang pagiging sobrang seryoso ay nagpa­pahina ng kalusugan. Sa paglalaro at pagsasaya, nawawala ang bigat ng problema. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lot­to-4-16-19-23-39-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Paangat ka nang pa­angat. Mas ma­gandang huwag ka mu­nang huminto sa pag­si­sikap. Ang nadarama mong pagod ay simpleng nag­sasabi na kulang ka sa pag­lilibang. Masuwer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-11-14-23-34-38-40.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Titinga­lain ka at ha­hangaan pero, wala kang kakaibang gi­nagawa. Ito ay mangya­yari dahil ayaw ng langit na makapagyabang at mag­malaki ang mga ka­away mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-15-21-28-41-43.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - llagay mo sa makabuluhang gawain ang ilan sa mga suwerteng mapa­sasaiyo. Ang iba pa ay gamitin mo para sa iyong sarili. Kung saan ka sa­saya, gawin mo ito. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-14-16-30-31-33.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page