Dagdag-tax sa mga yosi, alak at iba pa, aprub na!
- BULGAR

- Sep 11, 2019
- 2 min read
KAYOD-KALABAW ang Kamara.
Gusto kasi nilang maitala ang historic approval ng 2020 National Budget ngayong Oktubre.
Work, work, work!
◘◘◘
SINIMULAN noong Martes ang deliberasyon sa plenary.
Natapos agad ng Committee on Appropriations ang 2020 National Budget.
Puwede na itong pagdebatehan, matira ang matibay!
◘◘◘
AYON kay Speaker Alan Peter Cayetano, noong Lunes, dalawang priority bills ni P-Digong ang nakalusot na sa ikatlo at huling pagbasa.
Ito ang House Bill 304: Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act (PIFITA)!
◘◘◘
LUSOT din ang HB 300 na “Amendment of the Foreign Investments Act (FIA)”.
Layunin nitong dagdagan ang excise tax sa sigarilyo, alak at vaping products.
Yari ang mga bisyoso!
◘◘◘
PINURI ni Deputy Speaker Luis Raymund Villafuerte, Jr. ang mabilis na pag-apruba sa naturang priority bills na maituturing na ‘unprecedented’ sa ilalim ng liderato ni Speaker Cayetano.
Mag-uumpisa mula ala-1:00 ng hapon hanggang alas-9: 00 ng gabi mula Lunes hanggang Biyernes ang debate sa plenary para maabot ang pagpapatibay ng Pambansang Badyet ngayong Oktubre 4!
◘◘◘
BABABA na raw ang singil ng Meralco.
Klap-klap-klap!
◘◘◘
NAGTAGUMPAY daw ang bidding sa contract capacity na 1,200 MW na suplay ng kumpanya sa loob ng 10 taon epektibo ngayong Disyembre 26, 2019.
Ibig sabihin, liliit ang singil sa generation charges!
◘◘◘
NAGAGANAP ito sa gitna ng bantang pananabotahe ng maka-kaliwang grupo, partikular ng “Bayan Muna”.
Kinokontra kasi nina Carlos Zarate at Neri Colmenares ang pagkakaroon ng dagdag na planta ng elektrisidad, pero hindi sila nagtagumpay!
◘◘◘
ANG ginawang bidding ay alinsunod sa Circular ng Department of Energy (DOE) na nag-uutos sa mga distribyutor ng kuryente sa bansa na bumili ng kuryente sa mga suppliers sa pamamagitan ng Competitive Selection Process (CSP).
Ang CSP ay pinangangasiwaan ng Third Party Bids and Awards Committee (TPBAC) na binuo sa bisa ng DOE Circular!
◘◘◘
MATAPOS ang pagsusuri sa bidding, idineklara ng TPBAC bilang panalo sa bidding ang PHINMA Energy Corporation, San Miguel Energy Corporation at South Premiere Power Corporation.
“I just want to express our appreciation to the TPBAC and TWG for a well-run process. It was a good experience and hopefully, we will have more pro-consumer bids moving forward,” wika ni Phinma Energy President Eric Francia!
◘◘◘
ANG presyo ng generation charge mula sa naganap na CSP ay mas mababa kaysa sa karaniwang presyo ng generation charge sa kasalukuyan na nasa P5.84 kada kWh kasama na ang VAT.
Mas mababa ito kaysa sa presyo ng kuryente mula sa natural gas na ngayon ay nasa P5.838 kada kWh kasama ang VAT!





Comments