Birthday ng magiging super-bilyunaryo tulad ni Bill Gates ng Microsoft

Dear Maestro,
Ako ay taong tres na isinilang noong November 3, 1988. Tulad ng nasabi sa mga artikulo ninyo tungkol sa taong tres, naranasan ko rin na laging bigo sa pag-ibig kung saan hanggang ngayong 30-anyos na ako ay wala pa rin akong GF at parang malabo na rin akong makapag-asawa. Ano ang dapat kong gawin para sumaya naman ang love life ko?
Samantala, noong kumuha ako ng birth certificate sa NSO, ang birth date ko na nakalagay doon ay October 28, 1988.
Alin sa dalawang birthday kong ito ang dapat kong gamitin at ipagdiwang? Iniisip ko kasing October 28, 1988 na lang ang gamitin ko para mabago naman ang kapalaran ko. Tama kaya ang naiisip kong ito?
Umaasa,
Scorpio Boy ng Bocaue, Bulacan
Dear Scorpio Boy,
Tama at maganda ang naisip mo na ang birthday mo na October 28, 1988 ang dapat mong gamitin kung saan maaari kang maging super-bilyunaryo sa birthday na ito. Ito ay dahil ang isa sa pinakamayayamang tao sa buong mundo ay isinilang sa kaparehong petsa noong 1955 at siya si Bill Gates, ang may-ari ng kumpanyang Microsoft.
Ang ikinaganda ng birth date na 28 o 1 (2+8= 10/1+0=1) kung October 28, 1988 ang gagamitin mo at ipagdiriwang at kung kalilimutan mo na ang birthday mong November 3, 1988, ikaw ay magkakaroon ng guiding planet na Sun kung saan alam nating lahat na ang mga taong Sun o “taong uno” ay may malakas na karisma sa opposite sex.
Bukod pa ru’n, mas magiging madulas ang dila mo kapag kaharap mo na ang mga babae at tulad ng nasabi na, maaari ka pang maging super-yaman tulad ni Bill Gates.
Ibig sabihin, kapag October 28, 1988 ang ginamit mong birthday mula ngayon at kinalimutan na ang dati mong birthday, bukod sa lalakas ang iyong loob, maaari ka pang yumaman.
Hindi ka lang basta yayaman dahil kapag nasa 38 pataas na ang edad mo, kusa kang magkakaroon ng maraming ari-arian at tulad ng buntalang Araw, sa panahong nabanggit, madali kang makikilala at ganap na sisikat sa lipunang iyong ginagalawan.
Samantala, upang magtuluy-tuloy ang iyong suwerte sa larangan ng pag-ibig at pakikipagrelasyon, kapag October 28, 1988 na ang ginamit mong birthday, ang mga babaeng iyong liligawan ay sila pa ring ka-compatible ng zodiac sign mong Scorpio, tulad ng Cancer, Pisces, Taurus, Aries, Sagittarius at kapwa mo Scorpio, higit lalo silang may mga birth date na 7, 16, 25, 2, 11, 20, 29, 4, 13, 22, 31, 5, 14 at 23.
Sa piling ng mga babaeng nabanggit, tiyak ang magaganap, habambuhay ka nang magiging maligaya at mabilis ang magaganap kung saan pagsapit ng taong 2026 at sa edad mong 38 pataas, bukod sa may masaya at maunlad na pamilya ka na, unti-unti na ring lalago ang inyong kabuhayan hanggang sa tuluyan na kayong yumaman.




Comments