Awww! Wrinkles pa more! Pagsipsip sa straw, mas mabilis magpatanda ng mukha
- Twincle Esquierdo
- Sep 11, 2019
- 2 min read

NATURAL lang na mag-isip o magplano tayo para sa ating pagtanda, partikular kapag pawala na sa kalendaryo ang ating edad kung saan gusto pa rin nating magmukhang bata. Tama?
Bagama’t, hindi natin maiiwasan ang pagtanda, paghina ng mga buto, maging makalilimutin at pagbabago ng balat, narito ang mga pagkain na dapat nating iwasan pagtuntong sa edad na 30:
1. FLAVORED YOGURT. Dahil mayroon itong 47 grams ng asukal sa bawat serving, sobra ito sa recommended sugar intake kada araw. Para sa mga lalaki, inirerekomenda ang 28 grams habang 25 grams naman ng sugar kada araw para sa mga babae. Sa halip na flavored yogurt, mas mabuting kumain ng plain yogurt at ihalo ito sa mga prutas. Makatutulong umano ito sa mabilis na pagtunaw ng pagkain, gayundin mas maraming benepisyo ang makukuha ng katawan sa plain yogurt.
2. SOY. Mabuting umiwas sa mga pagkaing may toyo tulad ng adobong manok, baboy at isda dahil maaaring mag-spike at mamaga ang katawan dahil highly genetically modified ito at hindi natin alam kung hanggang kailan magtatagal sa ating katawan. May posibilidad din na mamaga ang katawan at makasama sa iyong thyroid.
3. PAGGAMIT NG STRAW. Kung madalas kang gumagamit ng straw tuwing umiinom ng softdrinks, juice, tubig, mas mataas ang tsansa na magkaroon ng wrinkles sa paligid ng iyong bibig. At kapag paulit-ulit itong ginagawa, ang collagen sa balat ay unti-unting nasisira kung saan ito ang dahilan ng pagtanda ng mukha.
4. FARMED FISH. Halimbawa nito ang tilapia, bangus, tamban, galunggong, dalagang bukid at alumahan. Ang mga isdang nabanggit ay karaniwang makikita sa mga palengke. Dapat iwasan ang mga ito dahil kumakain sila ng sarili nilang dumi.
5. WHITE BREAD. Pamilyar tayo sa white bread dahil mula pagkabata ay kumakain na tayo nito sa ating almusal at meryenda. Ngunit, kapag tayo ay nasa edad 30 pataas, hindi na ito oks. Dahil hindi sapat ang fiber content ng white bread para sa pangangailangan ng ating katawan sa loob ng isang araw, kailangan natin ng mga gulay at prutas na may mataas sa fiber content tulad ng broccoli, green peas, black beans, mansanas at peras.
6. MICROWAVABLE POPCORN W/ BUTTER. Ayon sa mga eksperto, nakasisira ng utak ang pagkain ng microwavable popcorn dahil sa kemikal ng plastic na ginamit rito. Gayundin, ang artificial butter nito na tinatawag na diacetyl ay maaaring maging sanhi ng problema sa lungs at brain damage.
Oh, mga besh, hindi na tayo bumabata kaya kailangan nating pag-isipang mabuti ang mga pagkaing dapat at hindi dapat kainin pagdating ng edad 30. Gayundin, ngayong dumarami na ang pangangailangan habang tumatanda, dapat tayong magbawas ng ilang nakasanayan natin noong bata pa tayo. Copy?





Comments