top of page
Alex Eala at Sandro Marcos - FB.jpg

Armadong kelot, nanlaban, napatay

  • Pabs Hernandez III
  • Sep 11, 2019
  • 1 min read

NORTH COTABATO—Patay ang armadong lalaki habang arestado naman ang dalawang kaibigan nito nang makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. Manarapan, Carmen.

Kinilala ang nasawi na si Allan Palut, samantalang, hindi muna pinangalanan ang dalawang nadakip habang iniimbestigahan pa sila ng mga awtoridad.

Ayon sa ulat, umiwas sa police checkpoint ang tatlong suspek na nakasakay sa motorsiklo at dahil dito, hinabol sila ng mga awtoridad at nang maabutan ay pinagbabaril ni Palut ang pulisya.

Kaagad namang gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay si Palut at nadakip ang dalawa pang suspek.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page