2 tulak, arestado sa buy-bust
ZAMBOANGA CITY—Dalawang drug pushers ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Baliwasan Grande.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Jeffrey Abdulsalam at Michael dela Cruz, kapwa nakatira sa nasabing barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 36 sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na sina Abdulsalam at Dela Cruz na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments