top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

16 boga, isinuko ng magsasaka

  • Pabs Hernandez III
  • Sep 11, 2019
  • 1 min read

CEBU CITY—Isinuko ng isang magsasaka ang kanyang 16 na iba’t ibang uri ng baril at mga bala kamakalawa sa headquarters ng Police Mobile Force Company.

Ang magsasaka ay nakilalang si Mark Villardo, residente ng Bgy. Lusaran sa naturang lungsod.

Isinuko ni Villardo ang mga armas bilang pagsunod sa panawagan ng pulisya sa mga sibilyan na isurender sa mga awtoridad ang kanilang mga baril na walang lisensiya.

Nanawagan ang pulisya sa iba pang sibilyan na isuko na rin ang kanilang mga baril na walang lisensiya upang hindi makasuhan ng illegal possession of firearms and ammunitions.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page