Kahit Kapamilya pa… Julia, guest sa show ni Jennylyn
- BULGAR

- Sep 10, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

MAPAPANOOD si Julia Barretto sa YouTube channel ni Jennylyn Mercado sa segment na JenDen Survives.
Ang segment ay tungkol sa volleyball games kung saan kabilang sa mga naglaro si Julia.
Si Shaira Diaz ay ka-team ni Jennylyn Mercado.
Marami ang nagulat nang makita si Julia at siguro naman, alam nilang para sa YT channel ni Jennylyn ang coverage. Sabagay, hindi naman mapapanood sa GMA-7 ang JenDen Survives.
Matagal nang naglalaro ng volleyball si Julia at mahusay siya rito. Sa katatapos lang na All-Star Game ng ABS-CBN, team captain pa nga si Julia sa volleyball na kalaban ng team ni Kim Chiu.





Comments