Super excited, 'di nakapagpigil… Nico, ibinulgar na girl ang first baby nila ni Solenn


MASAYANG balita ang ibinahagi ng mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico ngayong madaragdagan na ang kanilang pamilya.
Matatandaang nu’ng una ay sinabi ng mag-asawa na ayaw nilang i-reveal ang gender ng kanilang anak at kapag nanganak na lang daw si Solenn, saka malalaman ang kasarian ng bata.
Pero mukhang hindi nakatiis ang model-businessman na si Nico at nag-post sa Instagram tungkol dito, “We were not supposed to reveal the gender until she is born, but since she is a girl, I decided to raise this topic now because there are some warnings that must be spoken to the world.”
Hindi pa man naipapanganak ni Solenn, pinag-iisipan na ni Nico ang pagdadalaga ng soon-to-be born daughter nila.
“I already put in place a very simple and super fair system that every suitor will have to go through to have a chance to court my baby girl.”
Ayon kay Nico, kailangang maipasa at malagpasan ng magiging suitor ng baby girl nila ang challenges na involved ang mga pets nilang “El Gato” o pusa, “Pochola” o aso at “Patato” and Pechuga o tortoise.
At dagdag pa niya, kailangang dumaan sa kanya ang manliligaw ng anak.
“(The suitor) will sit down with me, in a dark room with one light in one table, where I will ask 100 questions and he must answer fast. Failing in one answer question will result in elimination.”
Pagkatapos daw makapasa sa question and answer portion ay papayagan na niya ang suitor na maka-date ang anak niya kung saan sa first 3 dates ay kailangang kasama siya.
Nakakatuwa naman na ngayon pa lang, super protective daddy na ang mister ni Solenn.





Comments