top of page
Pokwang.jpg

Kahit hindi ka mayaman, besh... tips para makatulong sa mga nangangailangan

Twincle Esquierdo
Sep 9, 2019
2 min read

MINSAN, ang pag­tulong sa pamama­gitan ng pagbibigay ng dona­syon ay goal na tila na­pakahirap gawin lalo na sa hirap ng buhay nga­yon. Madalas na­ting ma­isip at masabi na kapag nagkaroon tayo ng extra money, ido-donate o itu­tu­long na lang natin sa mga taong nanga­nga­ila­ngan, pero napan­sin ba ninyo na palaging nag­kakaroon ng had­lang para magastos na­tin sa ibang bagay ang mga perang inilalaan sana natin sa paggawa ng ma­buti sa kapwa? Para ma­i­wa­san ito, mga be­shy, kailangan nating mag-set ng plan at bud­geting.

1. ALAMIN MO ANG IYONG PAS­SION. Sey ng financial planner na si Tyler Dolan, ang pagdo-donate sa or­ganisasyong related sa passion natin ay susi para maramdaman natin ang satisfaction sa ginawa na­ting pagtulong.

Siyem­pre, dapat ala­min din natin kung paano gagamitin ng organisas­yon ang donas­yon natin para makasigurong itutulong nila ‘yun sa mga taong na­ngangailangan.

2. MAG-BUDGET. Sino ba ang gus­tong mag-budget ng pera? Napa­kahi­rap kaya nu’n, hays! Pero, mga ‘tol, kung tala­gang gusto mong tumu­long, kailangan mong mag-bud­get, paano? Una, alamin mo ang buwanang gastos mo tulad ng renta o upa sa bahay, mortgage payment, car payments hanggang sa maintenance, groceries, gas at iba pa.

Pa­ngalawa, parte ng budge­ting ang pagbaba­was ng paggastos sa mga gusto nating bilhin tulad ng kape, pagkain sa labas, maging ang mga bagay na may ki­nalaman sa kinahi­hiligan nating gawin. Pa­ngatlo, i-set aside ang pe­rang ido-donate. Ayon sa founder ng Stash Wealth, finance com­pany na tu­mutulong sa ka­bataan sa pagma-manage ng kani­lang pera na si Priya Ma­lani, dapat maglaan ng panibagong bank account para sa perang ilala­an natin sa pagbibi­gay ng donasyon para ma­natiling organi­sa­do ang ating pera.

3. MAGBIGAY NG HIGIT PA SA PERA. Ayon sa ma­nunu­lat na si Noel Kirkpatrick ng Mo­ther Nature Net­work, maraming paraan para makatulong tayo sa ibang tao. Kung hindi natin kayang tumulong sa pa­mamagitan ng salapi, min­san, ‘tol, mas kailangan ng ibang tao ang oras o pa­nahon ng iba para ma­ging okay sila.

‘Yung mag­laan ka ng time para sa ibang tao, ma­kapagpipinta na ‘yun ng ngiti sa kanilang mga labi — ngiting walang katapat na anumang ha­laga. Min­san, ang skills at talents natin ay magagamit din natin sa pagtulong.

Now we know, mga ‘tol! Sadyang mahalaga ang pagtulong sa kapwa dahil ang mundo ay bilog. Ang nahahabag sa kapwa ay kahahabagan din pag­dating ng panahon. Gawin ito nang bukal sa kalooban.

Sa ganitong paraan, mas mararamdaman natin ang tunay na esensiya ng pagtulong.

Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page