top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

'Di pa man showing, tagilid na… GF ni Carlo, panira sa movie nila ni Maine

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 9, 2019
  • 1 min read

MARAMING nagpapayo kay Carlo Aquino na huwag muna niyang idispley at ibalandra sa social media ang kanyang girlfriend nga­yon.

May movie silang pagta­tambalan ni Maine Men­doza, so papaano lalagyan ng kilig factor ang tandem nila ng dating ka-love team ni Alden Richards?

Kahit na sabihin pa na may Arjo Atayde na rin naman si Maine, still, hindi muna dapat ilantad sa pub­liko kung may GF man nga­yon si Carlo. Baka mawalan ng interes ang mga moviegoers na panoorin ang Isa Pa with Feelings.

Malaking halaga ang puhunan ng mga producers sa paggawa ng pelikula. Marapat lang siguro na maging considerate at cooperative naman ang mga artistang kinukuha ng mga producers para sa kanilang movie. Milyones ang puhunan sa pagpo-produce ng isang pelikula. Dapat lang na maibalik at kumita ang movie sa takilya.

Puwede namang pansamantalang itago ni Carlo ang kanyang girlfriend upang medyo kiligin ang manonood sa pagtatambal nila ni Maine.

Unfair sa movie producer kung walang mala­sakit ang kanilang mga bidang artista sa peli­kula nilang ginagawa.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page