Dahilan at solusyon sa pasmadong kamay
- Dr. Shane Ludovice, M.D.
- Sep 9, 2019
- 2 min read

Dear Doc. Shane,
Ako ay mahigit 30 years nang mananahi. Sa edad kong 57, marami na akong iniindang karamdaman tulad ng madalas na panginginig ng aking mga kamay. Sa palagay ko, ito ay dahil sa ilang taon kong pananahi. Mayroon bang gamot para rito? — Esmeralda
Sagot
Ang pasmadong mga kamay ay kadalasang tumutukoy sa panginginig nito.

Ang sakit na ito marahil ay sanhi ng mga interapsiyon sa tamang paggana ng cerebellum, pero hindi pa tiyak kung ano ang dahilan ng mga interapsiyon at kung paano ito mawawala.
Ang panginginig ng mga kamay ay maaaring dulot din ng mga sumusunod:
side-effect ng gamot
sobrang pag-inom ng kape
sobrang pag-inom ng alak
seizure
anxiety
mababang blood sugar
Hindi lahat ng kaso ng nanginginig o pasmadong kamay ay nangangailangan ng gamot, makabubuting magpa-check-up sa doktor dahil ito ang makapagsasabi kung kailangang sumailalim ng pasyente sa medikasyon.
Narito ang ilan sa mga gamot na karaniwang inirereseta para sa panginginig ng mga kamay:
Sotalol, betapace, atenolol o tenormin. Ang mga gamot na ito ay beta blocker na kumokontrol sa mga aktibidad ng mga neuron.
Gabapentin o neurontin at topiramate o topamax. Ito ay mga gamot na ginagamit para lunasan ang seizure. Magbibigay ng iba pang reseta ang doktor kung ito ay hindi umepekto.
Alprazolam o xanax. Ito ay gamot sa panginginig kung ang dahilan ay anxiety o panic disorder. Ito ay maaari ring gamiting panggamot sa panginginig ng mga kalamnan. Ito ay controlled drug dahil hindi maganda ang epekto nito sa kalusugan ng pasyente kapag nasobrahan.
Botox. Ito ay maaaring magdulot ng permanenteng panghihina ng kalamnan sa bahagi kung saan ito ituturok. Ang matagumpay na botox treatment ay maaaring epektibo sa loob ng tatlong buwan.
Comments