top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Swak ngayong Grandparents Day...Therapy pool, massage room, sauna, gym etc., libreng-libre para kina

  • Thea Janica Teh
  • Sep 8, 2019
  • 2 min read

Bulgarific Lifestyle

TUWING sasapit ang ikalawang Linggo ng Setyembre, ipinagdiriwang natin ang araw ng ating mga lolo at lola. Kaya ngayong araw, ipararamdam natin sa kanila kung gaano natin sila kamahal at ipararanas natin sa kanila ang relaxation na deserve nila.

Nauna na rito ang Taguig City dahil sa bagong bukas na gusali para sa mga senior citizen. Ito ang Center for Elderly na matatagpuan sa Ipil-Ipil Street, North Signal Village sa Taguig City. Nagbukas ito noong Abril 1, 2019 at ito rin ang kauna-una­hang gusali sa buong Pili­pinas na para la­mang sa mga senior citizen.

Ang Center for Elderly ay may li­mang palapag na siguradong ikatutu­wa ng ating mga lolo at lola na taga-Taguig dahil libre nilang ma­gagamit ang lahat ng pasilidad dito. Matatagpuan dito ang therapy pool, massage room, sauna, gym, sinehan at multi-purpose hall! Kumpleto na, ‘di ba?

Huwag mag-alala sa mga lolo at lola nating nahihirapan nang umakyat-pana­og dahil mayroon itong elevator. Hindi lang ‘yan dahil may­roon din itong rampa para sa mga mahal nating lolo at lola na naka-wheelchair.

Gayundin, hindi lang ito lugar para sa pagre-relax ng ating mga lolo at lola dahil puwede rin nilang maka-bonding ang kanilang mga amigo at amiga. Maaaring magbasa ng libro sa waiting lounge, maglaro ng board games sa multi-purpose hall at kahit ang talento sa pagpinta at paggantsilyo ay maaaring ipamalas dito!

Samantala, ito ay isa la­mang sa mga paraan ng mu­ni­sipalidad ng Taguig para mabigyan ng relaxation ang mga senior citizen. Gayun­din, ito ang paraan nila para pasa­la­matan ang mga lolo at lola sa mga naiam­bag ng mga ito noong sila ay bata pa.

Perfect na perfect ito nga­yong araw dahil ipinagdiriwang natin ang Grandparents Day. Kaya para sa lahat ng mga lolo at lola natin na walang sa­wang sumusuporta at nangu­ngunsinti sa kanilang mga apo, maraming-maraming salamat po at hangad namin ang in­yong magandang kalusugan.

Sana ay maraming ma-inspire na munisipalidad sa buong Pilipinas para hindi lang ang mga taga-Taguig na senior citizen ang makaranas ng ganitong relaxation kundi ang buong bansa. Happy Grandparents Day, lolo and lola!

Photo Credits to: https://www.facebook.com/taguigcity/

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page