top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Hindi peyborit ni madir, laging balewala, gusto nang magrebelde

ROMA AMOR
Sep 8, 2019
1 min read

Dear Roma,

Ako si Yesha. Noon pa man, hindi ko na nara­ramdaman ang impor­tansiya ko sa pamilya na­min. Ibang-iba ang paraan ng pagtrato ng mama ko sa akin at sa mga kapatid ko. Tatlo kaming mag­kakapatid. ‘Yung dalawa, palaging inaasikaso ng mama na­min at sobrang bigat sa loob niya kapag nakikita niyang nagwa­walis man lang ang mga kapatid ko at ako ang u­utusan ni­yang gumawa kahit na­kikita niyang busy ako.

Sa totoo lang, min­san ay nakakapangrebelde ang ganitong sitwasyon. Ano ang dapat kong ga­win, Roma? — Yesha

Yesha,

Alam mo, iha, ang pag­rerebelde ay hindi solusyon sa bawat prob­lema o pag­subok na na­raranasan mo sa buhay. Imbes na pag­re­rebelde ang isipin mo, ang pa­laguin ang sarili mo ang pagtuunan mo ng pan­sin. Huwag kang mag­padala sa stress ng bu­hay. Balang-araw, lubos mo ring mau­una­waan ang mga bagay-bagay. La­wakan mo lang ang pang-unawa mo lalo na at sila ang pamilya mo. ‘Yun lang, good luck at God bless you!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page