top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Dating co-host ang tunay na GF… Willie at sugar, nagkabalikan na

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 8, 2019
1 min read

MULA nang ma-annulled ang Wowowin host na si Willie Revillame sa dating misis na si Liz Almoro, wala nang ina­min or inilantad na girlfriend ang game show host bagama’t maraming girls ang nali-link sa kanya kung saan kasama na nga ang mga dancers niya sa show.

Kunsabagay, less talk, less intrigues nga naman kaya siguro naka-zipper na ang bibig ni Kuya Wil ‘pag tungkol sa love life niya ang itinatanong ng press people.

Pero kung totoo ang chika na nakarating sa amin na ang umalis na co-host niya sa Wowowin na si Sugar Mercado ang last GF ni Kuya Wil at nagkabalikan na raw sila, eh, di wow at win na win!

May nagparating sa aming annulled na rin si Sugar sa tatay ng kanyang dalawang anak kaya kung sila talaga ni Kuya Wil ang magkarelasyon ngayon, wala nang problema since pareho naman na silang single.

So, sana nga, maging happy together forever na silang dalawa, why not?!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page