Comedy Queen, takot na takot… AI AI, biniktima ng akyat-bahay gang
- BULGAR

- Sep 8, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

MAY karapatang matakot si Ai-Ai delas Alas dahil pinasok ng magnanakaw ang bahay nila ng asawang si Gerald Sibayan at nakarating pa hanggang sa kuwarto.
Thankful si Ai-Ai sa Station 6 at Station 6 ng QC Police at 10 SOCO sa tulong na ibinigay sa kanila.
“Kagabi, nanakawan kami. Maliit lang pero ang stressful. Nakapasok siya sa kuwarto namin at nakuha n’ya (ang) bag ko… Tanghali na nu’ng nalaman kong nawawala ang bag ko dahil magbabayad ako sa gumawa ng color and haircut ng nanay ko sa house... and nakita ko na lang na nasa kalye ang bag ko, sa tabi ng gulong ng kotse na tagung-tago... Ipinagpapasalamat ko rin na walang nasaktan sa amin ni Gerald. Salamat kay LORD at prinoteksyunan N’ya kaming mag-asawa... Mag-ingat na lang tayong lahat kasi IBA NA TALAGA ANG BUHAY NGAYON.”
Pinayuhan si Ai-Ai na magpalagay ng CCTV o kaya ay alarm at gawin daw double lock ang pintuan ng bahay para hindi maulit ang nangyari.
Sabi ng followers ni Ai-Ai, mabuti at hindi sila nagising dahil baka kung ano pa ang nangyari sa kanila kung nagising sila.





Comments