Aminadong walang pinag-aralan kahit senador na…Pacquiao, balik-iskul, ID ipinost sa socmed
- BULGAR

- Sep 8, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / BULGARY FILES

Photo: @mannypacquiao
PAGKATAPOS ng viral statement ni Senator Manny Pacquiao sa Senado hinggil sa panawagan sa mga taong nakaririwasa sa buhay upang matulungan ang mga mahihirap, heto at may viral post na naman ang People’s Champ.
Nag-post sa kanyang socmed ang atleta-pulitiko ng kanyang school ID kung saan siya ay naka-enroll sa University of Makati.
Muling nagbigay ng inspirasyon sa mga Pilipino ang mahusay na boksingero at butihing senador dahil hindi siya nag-atubiling ipagpatuloy ang pag-aaral kahit siya ay isa nang mambabatas.
Aminado naman si Sen. Manny na kulang ang kanyang kapasidad sa edukasyon. Ngayong nagkaroon na ng oras ang senador, siya ay nag-enroll sa UM at kumuha ng kursong Bachelor of Arts in Political Science, with specialization in Local Governance Administration.
Caption ni Sen. Manny sa kanyang student ID, “Never stop learning because life never stops teaching.”
Maraming celebrities ang humanga sa adhikain ng People’s Champ. Ang kanyang mga followers ay natuwa dahil isang paraan daw ito ng pagpapakita ng pagpapakumbaba ng senador lalo na pagdating sa larangan ng pulitika.
Ipinagmamalaki naman ng mga taga-Makati na ang isang magiting at mabait na senador ay napili ang kanilang unibersidad para ru’n mag-aral.
Komento ng netizen, “Hindi talaga ako nagsisisi na ibinoto ko si Sen. Manny.”
“Humility that’s what makes a MANNY PACQUIAO. May your kind spread.”
Ang iba namang kabataan ay gustong sundan ang yapak ng atleta-pulitiko.
“Kaya po idol na idol kita at gusto ko pong maging katulad n’yo. True leader, true inspiration.”





Comments