Rider, dedbol sa trak
ALBAY—Isang rider ang namatay nang aksidenteng mabangga ng trak ang minamaneho nitong motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Malabog, Daraga.
Ang biktima ay kinilalang si Carlito Garcia, residente ng Bgy. Corner Orchid, Legazpi City.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng trak na minamaneho ni Mark Dulba kaya aksidenteng nabangga ang motorsiklong kinalululanan ng biktima.
Nabatid na namatay sa pinangyarihan ng aksidente si Garcia, samantalang, sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in homicide si Dulba.





Comments