Rapist, timbog sa hideout
Pabs Hernandez III
Sep 7, 2019
1 min read
CEBU—Nadakip ng pulisya ang wanted na rapist kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Baring, Lapu-Lapu City.
Nakilala ang suspek na si John Michael Maloloy-on, residente sa nasabing lungsod.
Nabatid na inaresto ng mga awtoridad si Maloloy-on sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.
Kusa namang sumama sa pulisya ang suspek nang dakpin.





Comments