top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Akala mo pambuhok lang... shampoo, epektib na panggamot sa patay na kuko

  • Justine Daguno
  • Sep 7, 2019
  • 2 min read

PANGUNAHING la­yunin ng shampoo na ti­yaking malinis at healthy ang ating ‘crowning glory’. Pero, alam n'yo ba na hin­di lang ‘yun ang kaya nitong gawin?

Narito ang ilan pang ba­gay na puwedeng pagga­mitan ng shampoo:

1. PAMALIT SA SHA­VING CREAM. Karami­han ang sa boys ay hindi gu­magamit ng shampoo dahil feeling nila, hindi nila ito kailangan. Well, alam n'yo ba na ang shampoo ay pu­wedeng alternatibo sa sha­ving cream? Tulad ng kara­niwang shaving cream, ang shampoo ay may softening agent na makatutulong sa balat upang maging malam­bot at hindi ito magsugat kapag magse-shave.

2. OKS PARA HIN­DI MALUMA AGAD ANG DAMIT. Sa pagtagal ng paggamit sa damit, bukod sa kumukupas at rumuru­pok, ito rin ay nagsi-shrink o lumiliit dahil nalu­luma ang tela. Gayunman, sa tulong ng shampoo ay ma­soso­lusyunan natin ito. Ibabad lamang nang 15 mi­nuto ang damit sa maligam­gam na tubig na may sapat na dami ng baby shampoo, dahan-dahan itong kusutin saka ban­lawan.

3. PANGGAMOT SA PATAY NA KUKO. Ang shampoo ay hindi lang pam-buhok dahil nagwo-work din ito na do-it-yourself (DIY) manicure at pedicure. Para sa karamihan sa atin, diyahe kapag may patay na kuko, ‘yung tipong nakakahiyang magsuot ng sandals o tsine­las dahil masa-sight ng iba ang pinakatagu-tago mong patay na kuko sa paa. Hu­wag na kayong mag-alala dahil hindi na ‘yan problema, maglagay lang nang isa hanggang dalawang patak ng shampoo sa cotton at ipahid ito sa dead na kuko. Gawin ito bago matulog at kinabu­kasan na lang banlawan, ito ay dahil kailangan mababad nang matagal ang cuticle sa shampoo para ma-achieve ulit ang fresh nails.

4. PANTANG­GAL NG BANDAGE/BAND-AID. Para sa mga suki ng bandage/band-aid, alam nating hin­di nakatutuwa kapag tatanggalin na ito dahil minsan, super sakit talaga. ‘Yung feeling na pati balat mo parang sumama na rin? Kaloka! Bago ito tanggalin, pahiran muna ng kaunting shampoo ang area nito at ibabad san­dali at ‘yun na, pu­wede mo nang tang­galin ang bandage/band-aid nang walang hapding napi-feel.

5. PANLINIS NG SA­LAMIN. Hindi na proble­ma ang nagmo-moist o mala­bong facial mirror dahil pu­wede ring panlinis dito ang shampoo. Maglagay ng kaunting patak ng shampoo sa towel o basahan tapos ipunas ito sa salamin, ulitin ito nang isa hanggang dala­wang beses hanggang sa luminaw ito.

Sa panahon ngayon na usung-uso ang mga DIY, maraming alternati­bong puwedeng paggamitan ang mga simpleng bagay. Huwag tayong masanay na ‘yun lang ang magagawa nito, wala namang masama kung susubukan natin dahil malay mo, mag-work talaga, ‘di ba? Gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page